Kung sinu-sino na nga lang ang nakakapasok sa UP. Na-report na nga minsan na maraming nahoholdap sa stretch papuntang INC Central pag gabi, kasi walang ilaw. Nung pina-ilawan naman yung daan, binabato ng mga dugyot para magawa uli nila yung mga maitim nilang balak. In my four-year stay there, I've had a number of classes which required me to go home at night, swerte ko na lang at hindi ako nabiktima.
Unfortunately, it's not only the outsiders who need to be watched, pati mga estudyante mismo kelangang bantayan. I was in my second year sa MassComm when I witnessed a frat rumble for the first time. Sa harap pa ng college namin, and I recognized one of the participants as my classmate Comm 140. Then on our senior year, a friend of mine, Niņo Calinao was gunned down by a fratman and his cohorts at the AS Walk, a case of mistaken identity. His death was much publicized because one of the reported suspects, a Sigma Rhoan, is the son of a Bangsamoro leader. Buti na lang nahatulan na ng death penalty yung bumaril, pero hindi pa nadadale yung mastermind hanggang ngayon.
Nakakapanghinayang lang kasi andami kong magagandang alaala dyan, tapos madudungisan lang ng mga insidenteng ganito.




