Ako natatawa din dito, nakakawa naman basta hindi mo seryosohin.

Buti nga yung iba dito, sa ibang bansa lang naghirap mag aral, at nakarating pa sila ng ibang bansa para mag aral. Ako naranasan kong mag sunog ng kilay, literally. Noong HS pa lang ako, care taker lang kami ng isang bakanteng lote, tagal bago kami kinabitan ng ilaw, so gasera lang gamit namin. Wala ding tubig, iniigib lang.

Noong college, bracket 4 ako STFAP kelangan pa rin mag working student ako, minsan pamasahe lang ang pera ko, diskarte na ang pang kain.

Pero nakakatuwa pa rin kasi, paganun ganun lang ako pero nakatapos ako. A nga pala, Peyups din ako, MaSci nung HS.