Kaya po naguguluhan po ako. May nagsasabi na di dapat mag alala may nagsasabi naman na katakot ang posisyon ng Estados Unidos.

Baka nga hindi meltdown pero posible ba na bumagsak ang Amerika? Ganun kalakas pa ba sila sa larangan ng industriya at kalakalan? Ang mga malakas po di minsan makikita pero biglang may isang mas maliit na mas mabilis na kukuha sa posisyon nila sa taas.

Posible po na ang Amerika ay nasa dulo na kanyang siglo? Kahit naman po ang mga ibang malalakas na bansa bumabagsak. Mahirap ba paniwalaan na posible eto para sa Amerika? Malakas po kasi ang kutob ko na nasa Asia ang sunod na siglo.