Guess Mo?: Misis binawi ng congressman sa piling ng tibong lover
BINAWI na ng isang kongresista ang asawa sa piling ng isang tomboy na naging kalaguyo nito dahil rin naman sa pagiging sobrang "playboy" ng una na dahilan upang ma-low batt lagi sa encounter sa "nagha-hanap" na misis.
Si sir na miyembro ng 13th Congress ay naunang pinasadahan natin sa Guess Mo? Na nagkaroon ng problema sa misis na pumatol sa tibo dahil sa pagiging chick boy nito.
Ang matindi, binugbog ng kongresista sa pamama-gitan ng bodyguards ang tomboy na 'sumaklolo' lamang sa matinding kalungkutan ng kanyang misis.
Pero matapang ang tomboy, nangatwiran pang mabuti sa nangyari. Dapat daw magpasalamat ang kongresista dahil sa kanya nahumaling ang misis at hindi sa isang anak ni Adan na lalong dudurog sa pagkalalaki ng mambabatas.
Hanep rin mangatwiran ang tibo, ang tibay rin. Pero dahil sa pangangatwiran nito, ayun lalong inabot ng matinding gulpi na halos ikabasag ng mukha nito at ikabali ng mga buto.
Talaga raw duguan ang tomboy dahil nangyari ang encounter sa isang motel na naging love nest nito kasama ang misis ng kongresista.
Kumbaga, caught in the act sila.
Pero talagang minalas lamang dahil tinitiktikan na pala ng mga bata ng kongresista ang kilos ng misis ng kongresista.
Mabuti na lamang at hindi nagsumbong ang tibo sa kinauukulan. Kung sa bagay talagang tinakot ng kongresista ang tomboy na madadamay maging ang mga kamag-anakan nito kung gagawa ng iskandalo.
Hindi nga naman tamang may madamay na iba dahil sa paglalandi ng tibo. Pero lalong hindi rin naman tama ang ginawa at ginagawa ng kongresista.
Aba ayusin mo ang buhay mo boy. Kunsabagay, kilalang warlord ang pamilya ng kongresista at talagang kinakatakutan. Kaya lamang ngayon ay balitang-balitang mainit ang New People's Army (NPA) sa angkan nito.
Kilalang-kilala ang angkan sa kanilang lalawigan at naging kontrobersiyal ang isa sa kamag-anak sa nakaraang halalan.
Malayo sa Norte ng Maynila ang lalawigan ng kongresista na isa sa may napaka-init na klima sa bansa.