SINO itong dating alkalde, aktibong newscaster at isang magaling na aktres ang umano'y nag-orgy sa isang kilalang hotel sa Metro Manila?!
Graveeh din naman pala ang libido ng tatlong ito at hindi na daw napigilan ang isa't isa at nagparaos nang sabay-sabay sa hotel? Maging itong dalawang babae ay nagsipayag na rin na sabay silang ma-kikipagtalik dito sa dating alkalde?
Heto ang tsika ni T'yo-Paeng na isang waiter sa hotel. Nagkita-kita daw itong sikat na aktres, sikat na newscaster at dating alkalde sa Metro Manila sa pinagtatrabahuhan niyang kilalang hotel. Syempre, super tsikahan daw ang tatlo habang umiinom ng alak, pero nang malasing ang dalawang babae ay parang nagpapatagisan ng galing kung paano lalambutsingin ang playboy na alkalde.
Eh, dahil sa nararamdaman ng alkal-de na gustong magpatuka ang dalawang magandang bebot na nasa harapan niya, hayun at agad na nagpa-reserve ng kuwarto sa hotel at isinama ang dalawang senglot na babae?! Hala kayo, doon daw kayo magpagalingan sa kuwarto!? Hahaha ... Kakamut-kamot na nga lang daw sa ulo itong waiter na si Tyo-Paeng at iiling-iling na nasambit na "Ito talaga si sir, napaka-babaero!"
Matapos daw ang halos mga limang oras sa loob ng silid, paglabas ng dalawang bebot ay mukhang wala na ang pagka-tipsy at parang masasaya pang umalis ang tatlo. Ang laki pa nga daw ng tip na ibinigay ng playboy na alkalde kay T'yo Paeng at sinabing 'Pare quiet ka na lang ha?! Hehehe ...
Heto ang clue, itong sikat na aktres daw ay lulubog-lilitaw sa industriya ng showbizness dahil abala sa kanyang negosyo sa ibang bansa, pero ngayon hindi siya umaalis ng bansa dahil abala na naman siya sa showbiz at sa totoo lang may telenovela pa siya ngayon ha?!
Ito namang aktibong newscaster, hindi ko maubos na maisip na kapag nalalasing pala ito ay nagiging wild at tamang *** trip?! Kasi ang tingin ko sa kanya ay napakahinhin eh ... Ano? Mahihinhin? Apela ng ating spy! Eh, kapag nag-iinterview nga daw ito at gwapo ang opisyal na kaharap ay panay ang pa-CUTE?!
Si Meyor naman ay halos nakadalawang termino din naman bilang alkalde sa kanyang nasasakupang lungsod, kaya lamang dahil sa sobrang pagka-playboy at hilig sa tsikas, hayun at natalo! May kasabihan di ba na kapag ang negosyo sinamahan ng pambabae, minamalas? Hahaha ... Ano Guess Mo? ... Batu-bato sa langit ang pumiyok guilty! Hahaha!