Kung ang laman sana ng sinabi ni Gordon e puwede intindihin ng MASA, ok lang. Ang kaso, masyadong babad sa kaka-people power ang mga ito at sinasabayan pa ng sakay ng mga oportunistang mga politiko at maka-kaliwang may sariling mga agenda. I-impeach na kung impeach. Pero idaan natin sa proseso ng batas natin. We can't afford the economic impact of another people power. Tama na! Kung bumaba si GMA, next in line e si Noli, whether we like it or not. Di ba natin napapansin, mula pa nung panahon ni Makoy? Ang mga politikong sumasakay kay Ninoy, nasaan na ngayon? Ayun, mga nakinabang na. Ang mga nasa kaliwa, awa ng Diyos, pulang placard, bandila pa din ang dala. Ang litanya nila ganun pa din, walang pagbabago. What makes you think na di nila titirahin ang next president. Kaalyado man ni GMA o hindi. Magtataka ka nga kung bakit all these years ganun pa din ang raket ng mga bugoy na ito. Malakas siguro ang kita ng mag-ingay.