ahh, ok.. madali lang din kasing mag migrate dito sa Australia eh. Yung sa amin after 6 months ipasa yung application, pa medical na.. after a month got our PR visa and were off. Meron pa nga akong kakilala eh, single after 2 months niyang ipasa ay pa medical na siya. walang interview, walang show money na kailangan. syempre kailangan mo ng pera pang sustain sa inyo pero at least hindi ka required na mag accumulate ng limpak-limpak na salapi para lang may mai pakita ka sa kanila.

meron akong mga katrabaho nun sa Singapore na nag apply sa Canada before sa akin, naunahan ko pa sila sa pag alis. ma kamusta nga kaya sila kung ano na nangyari sa application nila.

as for jobs, sa umpisa mahirap. kasi merong mga companies na gusto Australian-qualifications at -experience ang hinahanap. pero tyaga lang ang kailangan dahil meron din namang basta qualified ka eh wala silang pakialam kung saan ka nag aral at nag trabaho.