SC ba pag grabe maka-pose sa mamahaling kotse?

Kanina kasi nag-crave ako sa Chickenjoy so pumunta ako sa Jollibee malapit samin. Nagulat ako may 458 Italia, 911 Carrera S (991), at Gran Turismo na nakapark, tapos sobrang daming tao. Ang daming nagpapapicture at humihimas dun sa mga sports car, tapos tuwang tuwa naman yung may-ari na nanonood dun sa tabi.

When I entered the establishment, naoverhear ko yung mga tao na networking event pala yun. Junga Juice or something like that. Yung isa pa nga sabi, "o ayan basta maayos trabaho natin makakabili din tayo niyan".