Nakakainis lang sa mga SC, kung maka-tingin akala mo kaya ka nilang bilhin.

One time, nagkayayaan kami ng mga kapatid ko na mag-midnight snack sa Starbucks sa isang mall dito sa Laguna. Pumunta kami doon ng naka-boxer shorts at t-shirt lang. naka-tsinelas lang din kami. pagpasok namin, hindi namin inakala na ang dami palang tao since yung kotse ko lang at isang M-class na benz lang yung naka-park sa tapat. karamihan dun sa mga tao, naka todo postura. akala mo, rarampa na model. sobra din kung makatingin sa amin, from head to foot. kung makatawa yung mga babae, parang walang mga breeding.

nung pauwi na kami, nakasabay namin palabas yung mga todo postura at saka yung may-ari ng benz. naka sando at shorts lang yung may-ari ng benz. samantalang yung mga naka pang-rampa, namomromblema since wala ng tricycle within the area at malayo na yung pinakamalapit na pila ng tricycle. :laughbounce:

sabi nga nung psychology prof ko nung college, i-observe daw namin yung mga tao sa mall. kung sino daw yung todo porma, yun daw yung mga SC. yung mga naka-shorts lang at simple lang manamit, yun daw usually yung mga may kaya.

pag SC ang nasa cashier, cash palagi ang pinambabayad. kapag rich, laging credit card.