New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 11 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 101
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #1
    TV host, arogante at bastos — TMG

    Ang Pilipino STAR Ngayon 11/20/2005

    Tinawag na arogante at rude ni PNP-TMG OIC director Chief Supt. Augusto Angcanan si ABS-CBN talent Iya Villania matapos na magpakita ito ng hindi magandang pag-uugali sa isinagawang symbolic turn-over ng kinarnap na sasakyan nito na nabawi ng TMG.

    Sa isang press conference na ginanap kahapon sa Camp Crame, sinabi ni Angcanan na hindi maganda ang ipinakitang ugali ng aktres nang magtungo ito kamakalawa ng hapon sa tanggapan ng TMG upang kilalanin ang kanyang sasakyan na nabawi ng TMG sa kanilang operasyon kamakailan sa Quezon City. "She’s rude and arrogant, parang sinampal niya kaming lahat, ’di man lang nagpasalamat," pahayag ni Angcanan.

    Hindi umano inaasahan ni Angcanan ang naging reaksiyon ng dalaga na sa halip na magpasalamat sa kanila ay tila pinaghinalaan pa ang kanyang mga tauhan na nakikipagsabwatan sa mga carnapper. Sinabi umano ni Iya na, "I am not happy with this personally and I think there is more behind all this things!" bagay na ikinasama ng loob ni Angcanan.

    Kasabay nito, hinamon ni Angcanan ang TV personality na humarap sa publiko at patunayan ang kanyang alegasyon.

    Isinisi rin ni Angcanan kay Iya ang umano’y nabalewalang pagpupursige ng mga tauhan ng TMG upang mabawi ang sasakyan matapos pawalan ng Quezon City Prosecutor’s Office (QCPO) ang apat na hinihinalang sangkot sa carjacking activities na nauna nilang inaresto habang ibinebenta ang sasakyan ng artista.

    Ayon kay Angcanan, dahil sa kawalan ng formal complaint ni Iya at tila kawalan nito ng interes na magsampa o ipagpatuloy ang kaso ay iniutos ni Fiscal Reymundo Aumentado na palayain ang mga akusado at magsagawa pa ng further investigation

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,796
    #2
    cant say na the tmg got what they deserve...they should be given credit narin kahit papaano.

    mejo mali s iya nun.naging civil manlang at nagpasalamat.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,808
    #3
    oo nga, bastos naman yun. sana ma-carnap ulit yung car nya tapos di na marecover. at mataon sana na wala siya insurance.

  4. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    3,067
    #4
    na-carnapan na kami... alam na namin ang ginagawa ng tmg...

    why would iya thank them? trabaho nila yun diba? hindi kaya kinarnap nila yun auto tapos narecover nila kunwari parang publicity stunt... kasi sa dami ng nacarnappan bakit yun sa artista ang marerecover?

    coincidence or staged?

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,796
    #5
    trabaho nga nila.porket ba trabaho nila hindi na pasasalamatan?and she doesnt even have a proof kung talaga ngang may ginagawa ang tmg na carnapping.although we have a feeling based sa mga nababasa at nakikita natin.

    and yes.kami rin na carnapan na.

    ang teacher trabaho nila magturo.ever thanked a teacher?
    ang waiter trabaho nila magserve ng pagkain..ever thanked a waiter?

    my point is, kahit magpakashowbiz manlang sana siya..mag thank you at wag naman mambastos.

  6. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    5,465
    #6
    o nga, langya T.O naman to si Iya oh.
    eh di sana, nag sampa sya ng kaso dun sa mga nakuhaan ng kotse nya.
    yan tuloy, nakalaya pa mga mokong...baka naman ikaw lang ang gumagawa ng ingay para sayo Iya? tsk...tsk...
    swerte mo nga, sa diname-dame ng na-carnappan, isa ka sa mga pinakamabilis na narecoveran...seems like you dont deserve it.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,808
    #7
    korek. kaya ako sa waiter ang bait ko, kada serve ng fud may thank you. mahirap na baka duraan fud ko ehehehe!

    common courtesy lang naman yun, it's what civilized people ought to do. besides, 2 things lang naman yan. either tawagin kang bastos, o tawagin kang edukado. she just showed she's not.

  8. Join Date
    May 2005
    Posts
    1,384
    #8
    baka naman ayaw na niya ma-recover yung kotse para mabayaran siya ng insurance at kumuha ng iba .. sayang .. ganda pa naman niya ..

  9. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    500
    #9
    Baka naman may krasss si Angcanan kay Iya kayo naghihinarteeehhh..

  10. Join Date
    May 2005
    Posts
    2,244
    #10
    Ako rin gusto ko kung ma carnap yon kotse ko bayaran nalang ako ng Insurance, dami kasi hustle diba palit ka ng plate no. and serial no. at higit sa lahat ang hirap mag resale.

Page 1 of 11 12345 ... LastLast
Si IYA Bastos???