New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Results 1 to 8 of 8
  1. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    2,421
    #1
    check this out guys. i really had a good laugh!
    typical balikbayan habit! am still proud to be FILIPINO.

    KALIMUTAN MUNA ANG MGA PROBLEMS, TAWA MUNA KAYO.



    Registered nurse si Maria sa States. Kasama niya ang

    kanyang ina na nagpagamot din doon. Namatay ang ina nito.

    Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si

    Maria.Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na

    mag-isa.Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya

    na dikit na dikit ang mukha nito sa salamin ng ataul. Nagkoment

    tuloy ang isang anak, "Ay naku! Tingnan mo 'yan. Hindi sila

    marunongmag-ayos ng bangkay sa Amerika!" Upang ayusin ang

    itsura ng bankay, binuksan ang kabaong. Aba! May sulat sa

    dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na

    mula kay Maria:

    "Mahal kong tatay at mga kapatid, Pasensiya na kayo at

    hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas

    dahil napakamahal ng pamasahe. Ang gastos ko pa lang sa

    kanya ay mahigit $1,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong

    halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga

    sumusunod. Nasa likod ni nanay ang dalawampu't-apat na karne

    norte. Ang Adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang

    limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul

    na Jansport na backpacks na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.

    Ang iba't ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni

    nanay.Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte.

    Sana'y hindi matunaw ang mga ito.

    Ang Pokemon stuffed toy na yapus-yapos ni nanay ay para sa

    bunso ni ate. Gift ko sa first birthday ng bata. Ang itim na

    Esprit bag ay para kay Nene, ate, nasa loob ng bag ang pictures

    ni inay, Japanese version ng Pokemon trading cards at stickers.

    Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at

    dalawang Old Navy t-shirts.Ang isa ay para kay kuya at tig-iisa

    ang mga pamangkin ko. Maisu-suot ninyo ang mga iyan sa

    fiesta.

    Suot din ni nanay ang anim na panty hose at tatlong warmer

    para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot ninyo sa party. May

    isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa

    inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan ninyo na rin ng tig-

    iisa 'yung mga pamangkin ko at 'yong isa ay kay Pareng

    Tulume.Ang tigdadalawang pares na Nike wristband at knee

    caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, diko,

    na nagba-basketball. Tigdadalawang ream ng Marlboro green at

    Winston Lights ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.

    Apat na jar na Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing

    liquid,isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at

    Aqua Fresh ang nakasiksik sa mga kilikili ni nanay. Hati-hati kayo,

    huwag mag-agawan.Isang dosenang Wonderbra na gusting-

    gusto ni Tiya Iska, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-

    asam ninyo 'yan, Tiya.Ang Rolex na bilin-bilin mo, tatay, suot-suot

    ni nanay. Kunin mo na agad, tatay. Ang hikaw, singsing at

    kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail

    cutters) na gusting-gusto mo, ditse, ay suot-suot din

    ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse.

    Isang Ray Ban ladies sunglass na pa-birthday ko kay Ninang

    Berta, hindi ko na pinasuot kay nanay. Isiniksik ko na lang sa may

    bandang ulunan ni nanay. Nasa pink na plastic na maliit. Mga

    Chanel at Champion na medyas, suot-suot din ni nanay, tig-iisa

    kayo, mga pamangkin ko. Mga pampers, panty liners, cotton

    buds, cotton balls, table napkins at mga scotch brite na may foam

    ay natatakpan ng mga puting bath towels. 'yon bale ang

    ipinangkutson ko sa kabaong ni nanay. Marami-rami rin iyon.

    Parte-parte rin kayo.Marami pa akong mga ipinagsisiksik kung

    saan-saang parte gaya ng caf?, coffee creamer, ilang Vienna

    sausage na de-lata, Barbie dolls,toothbrush, paper cups, plastic

    spoons & forks, paper at styro foam plates, perfume, cologne,

    ballpens, stationeries, envelopes, bar match box toys, used t-

    shirts, hand towels, CD, VHS tapes, padlock, tools gaya ng screw

    driver, plais, long nose, atbp., na hindi ko na na-itemize

    dahil nagmamadali ako. Marami pa sana akon ipaglalagay, kaya

    lang,baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta, parte

    parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong , ditse. Para sa inyo lahat ito.

    Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lamang siya

    rito.Balitaan ninyo na lamang ako pagkatapos ng libing.

    Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga

    ipinadala ko.

    Nagmamahal,
    Maria
    PS. Pakibihisan ninyo agad si nanay!"

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,417
    #2
    heheheh

  3. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    2,244
    #3
    haynako!

    pinoy talaga

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    18,747
    #4
    new version na ba yan? na receive ko na sa email yan years ago.
    Signature

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,410
    #5
    warning lang po.

    this joke was also sent by one of our high school alumni friends 5 years ago to our e-mailing group. he was told by almost everyone in that group that the joke was of very bad taste. who in his right mind would think of such a disrespect for a departed mother as funny. his succeeding e-mails were answered "send back to sender unopened" for a time, and worse the "send back to sender unopened" emails were forwarded to everybody. and almost everyone did that (including myself once). he had ceased to send e-mails since then and was ultimately dropped from the e-mailing list.

    i'm not trying to tell you anything, but your friends might just get offended as we did. i'm not offended now, i only read the first 3 sentences. just want to give you a friendly warning. i hope you have not e-mailed it to your friends yet.

    peace bro.

  6. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    4,242
    #6
    :D FIlipino eh....

  7. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,762
    #7
    hinde na ata joke un eh.. pero ok lang..

  8. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,086
    #8
    read it a long time ago..

Si Inay New version..