^^^ sinabi mo sir! yan ang mahirap sa townhouse, di pwede mag-expand. pag garahe pinagusapan you need to sell 1 car to buy another. yan nangyayari sa akin ngayon walang parking 1 kotse ko, buti na lang allowed street parking sa amin. pero just 2 times in the last 3 weeks may gumasgas sa car na nasa labas, halatang sadya kasi di naman bangga.
my wife and I are considering buying a lot already, maybe by next year. ang mahirap i am tied to the north, so north lang ang choice ko. for 1 nasa QC ang mother ko and she's 88 already. ayaw naman niya sa amin tumira. we do her groceries and marketing, and syempre pag ganyan na katanda regular ang visit namin to look after her kahit may kasama siyang aunty ko at may maid naman sila. kaso ang hirap na humanap ng matino and affrodable lot sa QC. prefer din namin QC kasi for schools - UP, ADMU, and UST is just 1 ride away.
bulacan we have 2 lots sa malolos. but that will be sold, di na namin type matira dun.
Last edited by yebo; September 2nd, 2015 at 03:16 PM.