Hello,
Ano kaya magandang LEGAL (",) business ngayon aside from lending business.
Mahirap lagi maging isang empleyado
Hello,
Ano kaya magandang LEGAL (",) business ngayon aside from lending business.
Mahirap lagi maging isang empleyado
Anything related sa food is still a good venture...basic need yan eh...Ano ba hilig mo? maganda if you enjoy and love what you do while earning...
Oil!!!!
For a relatively low budget I'd go for food and beverage. I just franchised a milk tea place in Antipolo and cash cow talaga as long as ilagay mo sa good location. Also, one of my guiding principles when looking for a venture is to find something that you like. That will make running the business easier and profit will come in due time![]()
WOW! San yang sir supernnunik? baka pwedeng makabisita! YEs, malaki nga raw markup sa beverage business...Mapa milk tea, coffee or neighborhood samalamig pa yan...
negosyo? KAHIT ANO---- ANG PINAKA importante CONTACTS---
bus. is all around you.... halos lahat dyan malaki ang kita basta alam mo kung saan ka makakakuha ng pinaka mura.... at makakabenta ng maramihan...
if i were you, bumarkada ka sa mga chinese businessman...
mag search ka sa net....
join forums...
KAHIT anong bus. madaling lumago basta
1. CHEAP
2. GOOD QUALITY
3. Good After sales service
^
Good contacts and socializing skills, know where to buy products basta tugma ang presyo at makakatubo ka.![]()
Totoo yan. Noong may tindahan kami at nagsasamalamig kami, malakas pa kumita yun samalamig namin kesa sa commodities. Imagine this...
Magkano lang ba ang tubig ngayon, 25 per gallon. Eh sa isang gallon, ilan na ang kayang i-serve niyan.
Magkano lang ang ingredients ng samalamig: Essence ng banana o vanilla (patak lang ang kelangan so tatagal ang isang maliit na bote), asukal, yelo, food coloring
Magkano mo ibebenta ang samalamig ngayon, 3 na yata ang pinakamababa ngayon. Piso lang kasi kami dati way back mid 2000.
Now do the math ;)
malaking kita?
Tayo ka ng N.G.O. tapos gawin mong partner si NAPOLES...
Ako plano ko mag business ng kwek-kwek at tokneneng malapit sa mga schools kasi yun yung patok sa mga estudyante na tinitipid ang pera sa pagkain para makapag-DOTA. Samahan ko na din ng Black Gulaman. Dito sa MOA sa terminal ng mga Jeep/FX/Shuttle, walang araw na hindi malakas yung tindahan ng mga ganun. Gusto ko nga sana kalabanin kasi ang mahal ng tinda nila kaso lang di payag SM dapat daw iba naman product.
^
ung sam's on stick lang afaik ang nagbebenta ng tokneneng sa moa terminal. kaya pala iba-iba product ng mga kiosk doon.
^
pwede kung before pa pumutok ang pork barrel scam sir. nagyon lie low muna NGO. mahirap na.![]()