Quote Originally Posted by Bogeyman
Pardon me for saying so, but I count this as one of the worst attitudes that we as a people have. You might as well tell the Jews that 'past is past', where the Nazis are concerned. You might as well tell the comfort women that 'past is past', where the Japanese soldiers are concerned. The past may be gone, but it should by no means be forgotten. History exists not so we can merely look at it behind a glass case, but so we can continually learn from its mistakes when we have to. Yung ganyang ugali ang dahilan kung bakit nakabalik sa Pilipinas at sa gobyerno ang mga Marcos; lagi na lang idinadahilan ng mga Pilipino na nakalipas na ang lahat. Ako, I will never tire of telling my children, my grandchildren and great-grandchildren about the darkness that Marcos brought to this country, and that they should always be vigilant so that such a period never occurs again.
medyo nalayo ata yung topic ser, ang ibig kong sabihin sa "past is past" isipin natin kung papano mareresolba ang problema ngayon. kasi ang nangyayari pag lumalabas yung tanong na "Paano na ang gagawin?" hindi nawawla ang sagot na " kasi si ganyan..eto ang ginawa... si ganito...mali yung ginawa" wag na tayong magsisihan, lets move forward...

Naaunawaan ko naman ang iyong mga sentimiyento. Kanya nga lang, hindi sing-simple ng pagpapagamot ng katawan o pag-aayos ng oto ang pagpapatakbo sa isang bansa, na kung may diperensiya sa kalagitnaan ay gustong baguhin agad. Hindi kailangan indahin ang sakit kung inaalagaang mabuti ang katawan. At hindi kailangang indahin ang maling gobyerno kung sa halalan pa lang, nakabantay na tayong mga mamamayan. Hindi yung kung kailan nakaka-isang taon pa lang, konting kibot lang eh, gusto na natin ng iba.

Kung hindi rin lang tayo makapaghintay bilang isang bansa sa susunod na halalan, aba'y tigilan na natin ang pagdaraos nito kada anim na taon. Idaan na lang natin sa sigaw kung sino ang pipiliing pangulo ng bansa. Gaya ng minsan ko nang nabanggit, kung hindi natin mababantayan bilang sambayanan ang ating mga demokratikong proseso, karapat-dapat lang sa atin ang sinumang pangulo na uupo bilang resulta ng isang huwad na halalan.
kaya nga po sa umpisa pa lang dapat di ba? nung pinabubukas po yung mga balota ng opposition...ano po bang masama na buksan? kung totoong hindi nandaya si gma...bakit ayaw pabukas? may tinatago po bang dapat hindi malaman ng tao?

kung ako, wala akong ginawang masama...wala akong nilihim...at yan lang ang paraan upang makuha ko ang tiwala ng buong pilipino gagawin ko yun para lang mapatunayan ko na hindi ko sila niloloko. ang hirap kasi sa gobyernong ito...lahat na tanong na hinihintay ng tao..wala silang masagot. pano ka magtitiwala sa kanila? ibig sabihin lang nito ay wala silang pakialam sa hinaing ng mga pilipino. kaya nabubuo ang mga haka-haka na totong nandaya nga sya.

eh kung pinabuksan ba nya ang mga balota at napatunayan na sya nga ang totoong nanalo sa pagkapangulo...eh di sana mas marami ang makikisimpatya sa kanya.

tama rin na silent ang malacanang about this scandal dahil everytime they say something its obvious that they're lying..its so hilarious!

so ah..ano naman itong si DoA secretary charged with tax evasion?..ayaw din magresign..ibang klase talaga! natanggal na sa dictionary ang salitang delicadeza..teka wala nga ata sa dictionary yun...
sagot lang po ang hanap sa bawat tanong.

sa nangyayari ngayon sa kasalukuyang administrasyon....isinasantabi lang po ang mga tanong...wala pong malinaw sa sagot.

itong gobyerno ay parang khaos, puro dada...wala naman pruweba.