gosh, if tumaas pa ang bigas, lalo mahihirapan yung ibang tao na minimum wage lang ang sahod. ako nga di minimum wage eh, di ko maramdaman na gumaganda ang economy like what the government is claiming. ang mahal ng mga bilihin.
madami lalong magugutom. at for sure tataas ang crime rate na naman. madaming mapipilitan magnakaw or gumawa ng masama para mapakain ang pamilya nila kasi di na kasya ang kita nila para sa pamilya nila. sa pagkain pa lang patay na sila. paano pa ang ibang gastusin nila di ba?
ang tingin ko dito, once it reaches at 40 / kilo malabo nang bumalik dati or around 20+ yan. bumaba man baka .50-1.00 lang... sana mali ako
walang iniwan sa maynilad at manila water rates.... noon wala pa ng 100 petot ang minimum charge sa residential , itinaas nila ang rate ayun minimum ngayon is less than P200 na.
in short patataasin lang nila nag presyo nito with matching alibis. in the end kawawa na mga masa pero panalo pa sila sa kickback. :iron: