Hindi naman siguro lahat ng nasa labas ay "nagsisimba" na. Kami din madalas mo makikita sa labas ng simbahan, waiting for the next mass, kasi 15 minutes early kami, dahil kung maabutan ka ng talagan labasan, male-late ka na dahil busy ang parking.
Nung wala pa akong anak, naiirita din ako sa mga batang makukulit sa simbahan, naiinis sa mga magulang kasi hindi sila sinasaway. Pero ngayon nalaman ko, marami ka palang kailangan i-consider. 1. Gusto mo ba na magkaroon na ng sense of religion ang anak mo as early as possible? 2. If so, may ibang bata na behaved lang, meron namang batang magulo, pag inawat mo, iiyak mamimili ka, likot o ingay? Ilalabas mo ba pag nanggulo, e di parang hindi mo na din sila isinama?
Kami, ang ginagawa namin, sinasama namin yng mga bata. Pero kapag may times na may toyo, hindi naka nap or something, yung mukhang magwawala talaga sila sa simbahan, iniiwanan namin. Kids ko hindi naman magulo sa simbahan. Kung sabagay 5 and almost 3 na yung isa. Pero 2 years ago, syempre yung baby iyakin pa, baby yun e.
Although tumitingin yung mga church goers sa amin kapag umiiyak na yung bata, wala din namang sumisita sa amin. E kasi naman, si Jesus mismo ni welcome yung mga bata.
People were also bringing babies to Jesus to have him touch them. When the disciples saw this, they rebuked them. But Jesus called the children to him and said, "Let the little children come to me, and do not hinder them, for the kingdom of God belongs to such as these. I tell you the truth, anyone who will not receive the kingdom of God like little children will never enter it." - Luke 18:15-17




Reply With Quote