ganyan yang mga personnel ng armored vehicles.

may experience na din ako sa kanila. sinagi yung kotse na dala namin tapos na nag-insist na i-deliver muna daw yung pera na dala nila kasi malapit lang naman. nakikipagftalo pa yung isang pangit na may dalang shotgun. yung driver naman, tahimik lang.

sa huli pumayag kami na sundan sila sa banko. ang siste, ndi pa sila lalabas kung ndi namin sinabi sa gwardia ng BDO yung nangyari sa amin. so sinabihan ng guard ng BDO yung management ng BDO.

pagdating sa presinto (syempre check in lahat ng sandata nila), humirit na naman itong maangas na pangit ng personnel ng armored van. ndi na ako nakapigil kasi parang akala niya eh wala kaming alam.

first tanong ko: pare, ano bang tinapos mo. kung makapgsalita ka parang wala akala mo wala kaming pinag aralan ah.

nung humirit uli: ang dami mong satsat. may imbestigador na nga dito satsat ka pa ng satsat ndi naman ikaw ang tinatanong.

so ganito ang kasunduan dapat. ipapagawa namin ang kotse tapos babayran ng insurance nila. matagal na gawa yung kotse pero hanggang ngayon wala pa ding bayad sila.