Results 21 to 30 of 34
-
January 5th, 2011 04:40 PM #21
Nung college napainom sa mug and chef habang inaantay si girlfriend nung dumating lasing na si CHRIS, nagyaya nang umuwi si GF, sumakay ng G-Liner, pagdating sa SM Centerpoint inayang bumababa si GF para sumuka, sumuka sa gilid ng Centerpoint, sakay ulit ng G-liner nasusuka pa rin pero tiniis at pinakain ng candy ni GF, nung dumating na sa Meralco sa Ortigas di ko na kinaya.....Hinubad ang sumbrero doon sumuka binalot ng polo!!! pag baba ng Junction tsaka lang tinapon!!!
-
January 5th, 2011 05:02 PM #22
College. Inuman ng beer, nasa plastic pitcher sabay umiikot ang baso, tagay.
After how many rounds ng tagay, yun kaibigan namin isa, laughing trip. Di mapigil ang tawa. Tawa ng tawa pero pinipigil nya by covering his mouth.
Naubos na ang beer sa pitcher, time to refill. Anak ng! Pagtingin ko sa ilalim ng pitcher, nandoon ang pustiso nya!
Kaya pala tawa ng tawa!
-
January 5th, 2011 05:08 PM #23
-
January 5th, 2011 05:28 PM #24
College, 2nd to the last term namin...
Nasa induction kami at isa ako sa mga inductee ng org namin, kasama si otot85...
Nakapiring na kami at part ng induction ang pag-papainom. Huling pinatagay sa akin, isang punong styro cup ng brandy. Pinaubos sa akin at ininterview. Tanong sa akin, crush ko ba daw si ganito, sabi ko daw crush ko. Matapos ang interview, pinatalikod kami sa pader at sabay umakyat. Sabi ko nalang, umiikot ang paligid ko at ayun, bagsak na ko.
Wala akong alam, tinanggalan ako ng suot kong long sleeve at sapatos pati sinturon. Kung saan saan daw ako dinadala ng mga kasama ko kasi sagabal daw ako sa daanan. Nasa 2nd floor na daw ako sa may kutson eh pinaalis daw ako at nakaharang. Tinatanong daw ako nung mga kaibigan namin kung nakikilala ko sila, sagot ko lang daw eh oo. Dumating yun sinasabing crush ko at oo lang nasagot ko, hahaha! Natapos ang induction ng tulog ako at ang oath taking ko as member eh nakahiga daw ako sa upuan sa gilid ng pool.
After party na ng induction at nagising ako. Nagkainuman at nagtalunan sa pool dahil sa hype ng kantang "Salamat", iginigilid ako ng kasama ko para hindi mapunta sa malalim pero lumangoy pa ko palayo papunta sa kabilang gilid.
Ayoko na maulit ito, hahaha...
-
January 5th, 2011 05:38 PM #25
-
January 5th, 2011 05:51 PM #26
-
January 5th, 2011 06:01 PM #27
ako simple lang:
inuman nung college, "tagayan hangang patayan" ang usapan. around 15-20 kami. bili ng 4-6 na case ng grande red horse, ginerbra long neck mga 20 ata binili (cant remember).
after a few hours, lasing na ko. bawal ang pass kaya tuloy lang and "bahala na si batman".
after 5-10 more rounds, hindi ko na talaga kaya, nagtago sa cabinet para makaligtas, nahuli. inum ulit.
basag na basag na, suka na every other shot. tumakas, kunyari tulog sa oto. hinawakan ilong ko hangang ngumanga, inum na naman.
gapang na, may 3-5 pa daw long neck and maraming beer. tuloy lang... no choice.
time to go home, walang nagawa kape, naghahamon na daw away kahit sino.
uwian na, hindi ko alam saan ako dumaan.
paguwi hindi na umabot sa bahay. sa garahe na natulog, bukas pinto ng oto. paggising, hinahalikan ko cemento.
never again!!!:bwahaha:
-
January 5th, 2011 06:27 PM #28
basta ako hindi talaga umiinom, tikim tikim lang
pero nagulat na lang ako dahil nagising ako nakadapa sa sahig
-
-
January 6th, 2011 12:43 PM #30
Nung teenager, hindi tumitigil hanggang hindi sumusuka tropa. Parang mauubusan yun pala ginugulangan lang kami ng mga mas may edad na barkada. Beer tapos local rhum tapos nag-aya maglakad. May tatambayan daw na pugad ng japayuki... Ayun, magkaka-akbay kaming sumusuka sa may kanal.
Ngayon, wais na at marunong na tumanggi sabihin na nilang mahina na uminom...eh meron pa naman bukas
Be careful with channels like "China Observer" on YouTube. There is a clear bias in their posts and...
Xiaomi E-Car