just recently eh nahihilig ako sa paggawa nakakatuwa pala..
any body can post their poetry here... I'll start mine...
btw,
pagpasensyahan kung wala sa tono..
noong april 30 2008 lang ako nagsimula sa art na ito
puro tagalog ang mga likha ko
dahil sa english ay mahina ako...
title : alay sa manggagawa sa araw ng paggawa
Mano manong paggawa, uso noong araw Ngunit ngayoy makina na ang gumagalaw Karamihang manggagawa, nawalan ng gawa Dahil sa makinang ngawa ng ngawa
Sa bidang makina ng industriyalisasyon kaakibat Hindi tatakbo kung walang isip na batbat Kapitalistay natuwa sa dami ng gawa Ngunit husay ng manggagawa ay binabalewala,
Ika isa ng Mayo, importante po ito Araw ng paggawa, inaalala rito Noon ay di ako interesado Maliban sa isipin na itoy anibersyaryo
Inililiban muna Pasok sa Eskwela, upisina at pabrika Upang manggagawa ay bigyan ng pahinga Makapiling ang pamilya, Bumisita sa asawa Buong pamilyay magkasama sama
Pagal na katawan, pagod na isipan Di pa rin sapat upang silay pigilan Ipaglaban ang karapatan sa parehas na labanan
Kauri kong manggagawa Saludo ako sa yo! Ika isa nga mayo, araw natin ito Kabuhayan ng pamilya isinasaalang alang mo Upang ipaglaban ang karapatan mo!
Zachary Matthew May 1, 11:30PM
Al Khobar Saudi Arabia