New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 6 of 6
  1. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    43
    #1
    anybody here into poetry, pag gawa ng tula??

    just recently eh nahihilig ako sa paggawa nakakatuwa pala..

    any body can post their poetry here... I'll start mine...
    btw,

    pagpasensyahan kung wala sa tono..
    noong april 30 2008 lang ako nagsimula sa art na ito
    puro tagalog ang mga likha ko
    dahil sa english ay mahina ako...

    title : alay sa manggagawa sa araw ng paggawa

    Mano manong paggawa, uso noong araw
    Ngunit ngayoy makina na ang gumagalaw
    Karamihang manggagawa, nawalan ng gawa
    Dahil sa makinang ngawa ng ngawa

    Sa bidang makina ng industriyalisasyon kaakibat
    Hindi tatakbo kung walang isip na batbat
    Kapitalistay natuwa sa dami ng gawa
    Ngunit husay ng manggagawa ay binabalewala,

    Ika isa ng Mayo, importante po ito
    Araw ng paggawa, inaalala rito
    Noon ay di ako interesado
    Maliban sa isipin na itoy anibersyaryo

    Inililiban muna Pasok sa Eskwela, upisina at pabrika
    Upang manggagawa ay bigyan ng pahinga
    Makapiling ang pamilya, Bumisita sa asawa
    Buong pamilyay magkasama sama

    Pagal na katawan, pagod na isipan
    Di pa rin sapat upang silay pigilan
    Ipaglaban ang karapatan
    sa parehas na labanan

    Kauri kong manggagawa Saludo ako sa yo!
    Ika isa nga mayo, araw natin ito
    Kabuhayan ng pamilya isinasaalang alang mo
    Upang ipaglaban ang karapatan mo!



    Zachary Matthew
    May 1, 11:30PM
    Al Khobar Saudi Arabia





  2. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    278
    #2
    here's mine

    i wrote this poem when i was in college
    and this poem is dedicated to my Ex-GF.

    at para sa mga iniwan o ipinagpalit ng GF.

    PAGLISAN

    NOONG IKA’Y LUMIHIS NG IYONG LANDAS
    [SIZE=2]PAKIRAMDAM KO’Y WALA NANG DARATING PANG BUKAS[/SIZE]
    [SIZE=2]SA BAWAT PANAHON AT SAYANG NA ORAS[/SIZE]
    [SIZE=2]PA’RANG IMPERYERNO ANG MUNDONG AKING TAHAS[/SIZE]


    [SIZE=2]SA AKING PAG-IISA AT PAGDALA NG PASAKIT[/SIZE]
    [SIZE=2]PARANG PASAN KO ANG DAIGDIG NA PUNO NG PAIT[/SIZE]
    [SIZE=2]SA IYONG PAGLISAN PUSO KO’Y NAGHIHINANAKIT[/SIZE]
    [SIZE=2]INIWAN AKONG LUMBAY ANG TANONG KO’Y BAKIT[/SIZE]


    [SIZE=2]ANG PUSO KO’Y PUNONG-PUNO NG HINAGPIS[/SIZE]
    [SIZE=2]SA PAGKA'T WALA KA NA PUMAPATAY SA MGA IPIS[/SIZE]
    [SIZE=2]IYANG MABAHO MONG PAA NA AMOY KANING PANIS[/SIZE]
    [SIZE=2]PATAWARIN KA NAWA NG MGA SUMAKABILANG BUHAY NA IPIS[/SIZE]


    [SIZE=2]IYANG KILI-KILI MO NA UBOD NG BAHO[/SIZE]
    [SIZE=2]PAKIRARAMDAM KO’Y NASA LOOB AKO NG INUDURO[/SIZE]
    [SIZE=2]IYANG ULO MONG PUNO NG BALAKUBAK[/SIZE]
    [SIZE=2]DAIG PA ANG SKYFLAKES NA DINUROG NG BATANG UMIIYAK[/SIZE]


    [SIZE=2]SALAMAT NAMAN AT WALA NA TAYO[/SIZE]
    [SIZE=2]PAKIRAMDAM KO’Y NASA LANGIT NAKO[/SIZE]
    [SIZE=2]WALA KA NGAYON SA BUHAY KO[/SIZE]
    [SIZE=2]ANG BABAENG SUGO NG IMPYERNO[/SIZE]
    [SIZE=2][/SIZE]
    [SIZE=2][/SIZE]
    [SIZE=2]peace[/SIZE]

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #3
    May mga makata pala rito...........

    ^^^ Bro EG, yung Ex mo pala, barubal sa katawan? Ha-ha!

    ANG PUSO KO’Y PUNONG-PUNO NG HINAGPIS
    SA PAGKA'T WALA KA NA PUMAPATAY SA MGA IPIS
    IYANG MABAHO MONG PAA NA AMOY KANING PANIS
    PATAWARIN KA NAWA NG MGA SUMAKABILANG BUHAY NA IPIS


    IYANG KILI-KILI MO NA UBOD NG BAHO
    PAKIRARAMDAM KO’Y NASA LOOB AKO NG INUDURO
    IYANG ULO MONG PUNO NG BALAKUBAK
    DAIG PA ANG SKYFLAKES NA DINUROG NG BATANG UMIIYAK

  4. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    5,994
    #4
    o_0 wow...
    Damn, son! Where'd you find this?

  5. Join Date
    May 2007
    Posts
    2,328
    #5
    Binibining hiyas
    ako sana'y iyong ibigin
    kapag hindi ka lumigaya sa aking piling
    sabihin mong ako pala ay sinungaling

  6. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,003
    #6
    Ayos tong thread na to ah! Keep 'em coming!

Poetry, rhyming at tula