Yup, madalas ako makakita nang pantot sa biyahe north and south, minsan malas pa yung nasagasaan, grabe baho. Tapos common din yan na bibiyahe ka ay maamoy utot nila. Never pa ako bumiyahe na hindi naamoy yan. Kapag nagugulat or nagagalit kasi ay nagpapahangin sila.
Binturong ang bibihira bro, although sa Crocodile farm meron so halos twice a year nakakakita ako. Bawal na kasi gawing pet so mga kakilala ko lang na meron ay yung sa semi-rural to rural areas. Meron dati kapitbahay ko kaso nakatakas, matalino din kasi yan. Akala mo lang slow and harmless pero parang wolverine lahi niyan eh.
Pantot = palawan stink badger. Kapag tinamaan ka nang utot niyan, itapon mo na lahat nang damit mo na suot unless marunong ka nung tinatawag nang matatanda na "pausok", I forgot what ingredients are needed na sunugin para pangontra.
Biruan dito sa amin na kapag tinawag kang boy pantot, ibig sabihin malupit na BO mo. hehehe