Nangyayari talaga iyang dadalhin ka sa isang kuwarto at ii-interrogate...- isa naming kasamang Pinoy,- naganyan na rin pero sa SFO,- at pati nga mga pitaka mo ay bubuklatin lahat.... Natakot nga raw siya pero ni-release after 2 hours daw...
Malamang Seattle-Tacoma airport iyan... I've been through that airport siguro more than a dozen times (from Narita - stopover ng NW and now Delta), and also from SFO (interstate)
There were a couple of incidences I remember in that airport.
1. I brought some 30-40 small packs of dried mango - hinarang ako dahil nga commercial quantity. Tinanong ako kung bakit marami akong dala,- sabi ko sa kanila(in English siyempre), presents for our company colleagues; practice kako naming mga Pinoy; and I have a big appetite rin.. Lusot lang ako.
2. Hetong masaklap - papauwi na ako and exit ko ang Seattle. So ibinigay ko ang passport ko sa counter ng NW Airlines (pa noon) at ticket and they returned my passport and boarding pass. Naka-board na ako ng eroplano (business class pa)... May dumating na 2 siguro o 3 immigration o airline officers na hinahanap ako, dahil hindi ko raw isinauli ang aking i-94.... Ito iyong permit mo to stay in the US for a number of days depende sa ibibigay sa iyo ng immigration officer pagdating mo sa US,- normally, it is a piece of paper about 3x4nches na ini-stapler sa isang page ng passport. So, habang nakaupo ako sa business class pa - kaya nakakahiya talaga,- itong isang babae na obviously ay Filipina ay niraratratan ako at sinasabing bakit hindi ko raw ibinigay iyong i-94 at kung hindi raw nila nakita ay hindi na ako makakabalik sa amerika... Nuong matapos,- ibinigay ko ang passport ko sa kanila at nandoon nga ang i-94,- nakakabit pa... Sabi ko sa kanila (sa tono ng boses na naririnig din ng ibang pasahero),- responsibilidad nilang kunin sa counter ng NW ang i-94 at ilagay sa isang bin box at wala siyang karapatang ratratan ako sa loob ng eroplano. Hay naku.- umalis na lang at hindi na ako sinagot- mabuti naman dahil nagpanting na rin ang taynga ko... tangnanya.... Pag alis,- sabi nuong katabi kong babae,- "The (lady) officer was very very rude!" Apologetic din nga ang mga flight stewards... Hay naku,- alam din kasi nilang na bad-trip ako....
Mukhang tama si bro.shadow,- red flag nga iyan... Normally 3-6 months ang ibinibigay nila,- pero kami uwi rin kaagad, tama na ang 2-3 linggong bakasyon - mahal ang gastos... hahaha!
21.3K:loopy:
Last edited by CVT; October 8th, 2013 at 10:49 AM.