Results 1 to 10 of 15
-
August 30th, 2005 01:44 AM #1
UMAABOT na sa bilang na 7 milyong kabataan ang iniulat ngayon na pawang malnourished dahil sa kakulangan sa inihahaing pagkain sa mesa ang nais lutasin ni Senator Ralph Recto, sa pamamagitan ng pagsusulong niya ng programang "debt for nutrition swap".
Ang nasabing programa na isinusulong ng senador ay naglalayong maisalin ang debt repayments project ng gobyerno sa anti-poverty projects na nakakuha umano ng suporta mula kay United Nations Secretary General Kofi Annan at House Speaker Jose de Venecia.
Ang ideya umanong ito na "converting debts into nutrients" ay isa sa mga posibleng solusyon sa lumalalang problema ng bansa sa illiteracy maging sa malnutrisyon.
Ang panukalang ito ni Recto ay nag-ugat sa nakababahalang survey report na inilabas ng Food and Research Nutrition Institute kung saan tatlo umano sa 10 bata sa bansa ay underweight.
Ayon naman kay Anupama Rao Singh ng United Nations Childrens Fund director for East Asia and the Pacific, mayroon umanong mga lugar sa Pilipinas kung saan umaabot sa 56% ang malnutrisyon. Ito umano ay mas mataas kumpara sa North Korea na nakapagtala lamang umano ng 47% habang East Timor naman ay 53%.
"We are light years away from becoming a Sudan, but we should adopt the policy 'malnourished child is one too many," ani Recto.
Isa umano sa nakikita ng senador na maaaring magpondo sa isinusulong niyang programa ay ang plano ng gobyerno na pakainin ang 7.5 milyon mga schoolchildren ng vitamin enriched noodles araw-araw sa susunod na taon. Sa budget umanong P200 kada bata ang plano ay magkakahalaga ng P1.5 billion halagang katumbas umano ng 18 hours ng debt service sa susunod na taon.
Ang tinutukoy ni Recto ay ang daily debt service na nagkakahalaga ng umaabot sa P2 bilyon sa 2006, base sa nakatakda P340 bilyon na interest at P371 bilyon na principal interest.
Habang sinusuportahan ng senador ang noddles program na ipinapanukala ng gobyerno dapat umanong magkaroon ng iba pang pagkain na ibigay sa mga bata bilang pabuya sa magandang class performance.
-
August 30th, 2005 01:47 AM #2
vitamin enriched noodles na punong puno ng msg..now that's healthy!.. sino kaya ang maswerteng manufacturer na kikita ng malaki..lucky me?..o yung stepitay ni lucky..?
-
-
August 30th, 2005 09:55 AM #4
but how can we solve this problem if we are still breeding like rabbits? wala na ngang kinikita sampu pa anak. How can they ever get out of the rut?
-
August 30th, 2005 10:01 AM #5
vitamin enriched noodles...naalala ko tuloy yung peyborit ko nung bumisita ako diyan...Maggi Noodles!!! buhay pa ba yun?
nakakagana talaga ang msg
-
August 30th, 2005 01:20 PM #6
And at the same time, the government, churches, NGOS, etc. should start educating our poor kababayan to limit their children to two, at the most. Yung mga mahihirap, sila pa ang maraming mga anak.
-
August 30th, 2005 08:25 PM #7
dapat dito one child policy like china. dami kase nagpapauto sa simbahan e, akala nila lumalaki land area ng pinas. eto ngang si mayor atienza pinagbawal artificial birth control methods sa manila. maganda nga baywalk, pero kita nya ba buhay ng mga tao sa baseco at tundo?
-
August 30th, 2005 09:07 PM #8
Dapat napapanahon na gumawa ng batas na sa pag kontrol ng pag-aanak.kung ang standard ay two or three sa isang family eh dapat sundin,kung lumagpas sa takdang quota ng family eh kailangan mag multa sila sa gov't.di nga maglalaon na maaaring magaya ang mga bata natin sa SOMALIA,etc...sa hirap ng buhay ngayon kung pangkaraniwan kalang trabahador at isa lang ang naghahanap-buhay eh talagang magiging mal-nourish nga ang mga anak mo,mahirap iasa ang pangsariling pangangailangan sa gobyerno,dahil marami narin problema ang bansa natin...
-
Tsikot Member Rank 5
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 3,144
August 30th, 2005 09:15 PM #9Originally Posted by M54 Powered
msg == masarap sa panlasa, not good naman sa brain yata(?)
-
Tsikot Member Rank 5
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 3,144
August 30th, 2005 09:17 PM #10Originally Posted by woulfe27
Ikaw pala si Daniel.
2023 Toyota Wigo