New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 9 of 9
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1
    : Traffic system ng MMDA computerized na

    WALA nang lusot ang mga driver na bumabale-wala sa iniisyung ticket ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa oras na lumabag sila sa batas-trapiko.

    Ito ang ibinigay na babala ni MMDA chairman Bayani Fernando sa mga pasaway na driver na patuloy na dinededma ang ipinatutupad ng Metro Traffic Ticketing (MIT) system.

    Ayon kay Fernando, computerized na ang kanilang sistema at lahat ng kanilang record ay tugma at nakatala na rin sa Land Transportations Office (LTO) kaya't tiyak na mabibisto ang sinumang driver na hindi magbabayad sa nagawa nilang paglabag sa batas-trapiko.

    Tiyak aniya na mabubuko ang mga balasubas na driver sa oras na mag-renew na sila ng kanilang lisensiya.

    Ang masama nito, magpapatong-patong pa aniya ang interes na babayaran ng sinumang driver na hindi tatalima sa pagbabayad ng kanilng
    MMDA chief Bayani Fernando

    ticket sa itinakdang panahon mula nang sila'y maisyuhan ng MIT.

    Ayon kay Fernando, namihasa ang mga driver na dedmahin ang pagtubos ng kanilang lisensiya noong iniisyuhan pa sila ng Traffic Violation Receipt (TVR) sa oras na mahuli sa paglabas sa batas-trapiko at sa halip ay naghahain na lamang ng kanilang affidavit of lost para muling makakuha ng bagong lisensiya.

    Katuwiran umano ng mga driver noon na mas nakakatipid sila sa pagkuha ng bagong lisensiya sa halip na tubusin ang TVR na inisyu sa kanila dahil sa paglabag sa batas-trapiko.

    Sa bagong patakaran, hindi na aniya magagawa ito ng mga driver dahil tiyak na mabubuko na sila bunga na rin ng makabagong sistema ng computerization.

  2. #2
    Its about time.

  3. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    494
    #3
    Baka naman sabotahen ng mga local officials yan. Apparently, MMDA and the local government units have problems on the sharing of revenues from the fines.

  4. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    3,152
    #4
    calling bayani fernando= laki ata kinita mo sa pink urunals dami na nagrereklamo na mapanghi na at sira na ang iba, to rehab it would cost some more,ok lang naman pero kung pwede lang yung kurakot minimal lang. bout the computerization, ok olng naman if all drivers would obey and follow the rules, pero those who give the rules should also enforce them and facilitate them properly

  5. Join Date
    May 2005
    Posts
    689
    #5
    Saludo ako sa dami ng ideas ni Bayani Fernando. Yun nga lang marami sa mga ideas niya mukhang hindi kasama yung tinatawag na "practicality" sa design.

    Take for instance yang pink urinals na yan. Napansin nyo ba dun sa service road mula Sucat papuntang Bicutan sa SLEX ? Ilang pink urinals ang tinayo dun na natatakpan na ng talahib. Sino ba naman ang jijingle dun? Matusok pa ng tinik yung birdie mo. Saka bihira linisin yang mga yan kaya mapanghi. Magka-hepa ka pa jan.

    How about yung mga malaking digital timers na kinabit sa bawat bus stop para orasan yung pagtatawag ng pasahero ng mga bus? Wala namang sumusunod dun sa mga timer na yun eh. Sayang lang yung pera dun.

    Maganda ang maraming ideas, kaso lumalabas lang yung pera (a.k.a. TAX) sa mga ideas niya na pumapalpak. But I support his good intentions.

  6. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    57
    #6
    question lng mga guys... pwde ba ng mmda kunin ang license ng driver o pinagbabawal na ito?

    kya naman maraming driver ang abuso kasi from our role model (sana?)mga pulis at government officials, nakikita nila ang mga violations na ginagawa ng mga ito kya iisipin nila na bakit sila pwde eh pareho naman tayong mga gumagamit ng daan. Ang mga pulis na yan sobrang abusado paminsan eh kng sisingit kala mo may emergency eh tpos yng mga politician kala mo hndi aabot sa pinupuntahan eh. kng maaga lng sana sila umalis eh d hndi na nila kailangan magmadali at hndi na magugulo ang mga motorista.

  7. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    866
    #7
    The MMDA Computerization is a good step indeed and perhaps it was a bit overdue, but nevertheless, it's here.

    He does get things done at least. (unlike Binay and my Dad's former lawyer, Benjamin Abalos Sr., who now runs the Comelec)

  8. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    68
    #8
    matagal ng na-solve ng ibang bansa ang problema sa mga traffic violators. hindi nga lang natin nagagamit dahil sa sobrang mahal ng sistema. marami ng solusyon sa mga problema sa ibat-ibang bagay para sa ikakaunlad ng bansa ang tanong eh, can we afford it?

  9. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    57
    #9
    YES, we can afford it kung HONEST ang mga taong nasa government. Ang problema lang naman tlaga natin is sobra ang corruption na nangyayari kaya akala ng mga tao na hindi natin kayang umunlad kasi nga palaging wlang pondo. Pero kng ang mga opisyal sa gobyerno ay tapat sa tungkulin nila baka sa loob lamang ng ilang taon mababayaran na natin ang utang ng bansa... Kaya lamang nagkakaroon ng tax evasion ay dahil sa wlang na tiwala ang mga tao sa gobyerno kaya mas mabuti na sila ang nakikinabang sa pinagpaguran nila kaysa mapunta lang kung kanino dyan na nasa position sa gobyerno, mahahalata naman sa lifestyle ng mga opisyal na sobra itong sosyal at hndi ito kyang supportahan ng kanilang mga sweldo lamang... PUBLIC SERVICE sana pero ginagawang negosyo para sa sarili at hndi sa bayan... sana magkaroon na tayo ng tapat na pulitiko kahit sobrang strict bsta honest ayos na...

Pasaway na drivers wala nang lusot