Results 1 to 10 of 45
Threaded View
-
August 16th, 2006 01:52 PM #1
Naniniwala ka ba sa Pamahiin?
1/ Pagtulog at Pananaginip (Sleeping and Dreaming)
Iwasan ang pag-ulit ng iyong panaginip sa pamamagitan ng pagbaligtad ng iyong unan. (Avoid recurring dreams by turning your pillow upside down.)
Laging matulog na nakaharap sa silangan, kundi ikaw ay hindi magkakaroon ng magandang kinabukasan. (Always sleep facing east, or you will not face a bright future.)
Pagkatapos mag-aral sa gabi, ilagay ang librong iyong pinag-aaralan sa ilalim ng iyong unan, at mananatili ang iyong pinag-aralan sa iyong isip. (After studying at night, place the book you've been studying under your pillow, and you will retain what you have read.)
2/ Kapag Gabi Na (When Night Falls)
Umiyak ka sa gabi upang ikaw masaya sa kinabukasan. (Cry at night and you will be happy tomorrow.)
Huwag kang magsuklay ng iyong buhok sa gabi dahil baka ikaw ay maging kalbo, ulila, balo. Subalit kung kailangang suklayin mo ang iyong buhok sa gabi, kagatin mo muna ang dulo ng suklay. (Don't comb your hair at night, lest you become bald, orphaned, or widowed. But if you must comb at night, bite the tip of the comb first.)
Kapag namamasyal kasama ang iyong mga kaibigan, lalu na sa gabi, dapat ay lagi kayong magkasama bilang isang grupo na pantay ang bilang. Kung hindi pantay ang inyong bilang, ang isa sa inyo ay kukunin ng mga espritu upang gawing pantay ang bilang. (When walking with friends, especially at night, always travel as a group of even number. If it is an odd number, one of you will be taken away by the spirits to make the number even.)
3/ Sa Ilang Mga Araw (In Some Days)
Anuman ang iyong ginagawa o nararamdaman sa Araw ng Bagong Taon ay magpapatuloy sa loob ng buong taon. (Whatever you do or feel on New Year's Day will continue the rest of the year.)
Mas mabuti na makakita ng pera sa Araw ng Bagong Taon sa halip na gastusin ito. (Better to find money on New Year's Day than spend it.)
Ang pagtalon sa umaga ng Pasko ng Pagkabuhay ay magpapabilis ng paglaki at magpapatangkad sa isang tao. (Jumping on Easter morning hastens growth and makes a person taller.)
4/ Mga Dapat at Di Dapat Gawin (Dos and Don'ts)
Huwag kang magsusugal kapag ikaw ay bagong gupit, kung hindi ikaw ay siguradong matatalo. (Don't gamble if you've just had a haircut, for you are certain to lose.)
Kapag may bumahing habang ikaw ay paalis na ng iyong bahay, huwag mo nang ituloy ang iyong lakad dahil baka may sakunang mangyayari sa iyo. (If someone sneezes while you are about to leave your house, postpone your trip or something bad will happen to you.)
Kung ikaw ay maligaw, baligtarin mo ang iyong damit at makikita mo ang tamang daan. (If you happen to get lost, invert your clothes and you will find your way.)
www.sukobthemovie.com
2025 Suzuki Dzire Hybrid Ice Skating Audition — Sponsor Us, Suzuki! AutoDeal
4th Gen Suzuki Dzire