New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 10 of 45
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #1
    Naniniwala ka ba sa Pamahiin?

    1/ Pagtulog at Pananaginip (Sleeping and Dreaming)
    Iwasan ang pag-ulit ng iyong panaginip sa pamamagitan ng pagbaligtad ng iyong unan. (Avoid recurring dreams by turning your pillow upside down.)

    Laging matulog na nakaharap sa silangan, kundi ikaw ay hindi magkakaroon ng magandang kinabukasan. (Always sleep facing east, or you will not face a bright future.)
    Pagkatapos mag-aral sa gabi, ilagay ang librong iyong pinag-aaralan sa ilalim ng iyong unan, at mananatili ang iyong pinag-aralan sa iyong isip. (After studying at night, place the book you've been studying under your pillow, and you will retain what you have read.)


    2/ Kapag Gabi Na (When Night Falls)
    Umiyak ka sa gabi upang ikaw masaya sa kinabukasan. (Cry at night and you will be happy tomorrow.)
    Huwag kang magsuklay ng iyong buhok sa gabi dahil baka ikaw ay maging kalbo, ulila, balo. Subalit kung kailangang suklayin mo ang iyong buhok sa gabi, kagatin mo muna ang dulo ng suklay. (Don't comb your hair at night, lest you become bald, orphaned, or widowed. But if you must comb at night, bite the tip of the comb first.)

    Kapag namamasyal kasama ang iyong mga kaibigan, lalu na sa gabi, dapat ay lagi kayong magkasama bilang isang grupo na pantay ang bilang. Kung hindi pantay ang inyong bilang, ang isa sa inyo ay kukunin ng mga espritu upang gawing pantay ang bilang. (When walking with friends, especially at night, always travel as a group of even number. If it is an odd number, one of you will be taken away by the spirits to make the number even.)


    3/ Sa Ilang Mga Araw (In Some Days)
    Anuman ang iyong ginagawa o nararamdaman sa Araw ng Bagong Taon ay magpapatuloy sa loob ng buong taon. (Whatever you do or feel on New Year's Day will continue the rest of the year.)
    Mas mabuti na makakita ng pera sa Araw ng Bagong Taon sa halip na gastusin ito. (Better to find money on New Year's Day than spend it.)

    Ang pagtalon sa umaga ng Pasko ng Pagkabuhay ay magpapabilis ng paglaki at magpapatangkad sa isang tao. (Jumping on Easter morning hastens growth and makes a person taller.)


    4/ Mga Dapat at Di Dapat Gawin (Dos and Don'ts)
    Huwag kang magsusugal kapag ikaw ay bagong gupit, kung hindi ikaw ay siguradong matatalo. (Don't gamble if you've just had a haircut, for you are certain to lose.)

    Kapag may bumahing habang ikaw ay paalis na ng iyong bahay, huwag mo nang ituloy ang iyong lakad dahil baka may sakunang mangyayari sa iyo. (If someone sneezes while you are about to leave your house, postpone your trip or something bad will happen to you.)

    Kung ikaw ay maligaw, baligtarin mo ang iyong damit at makikita mo ang tamang daan. (If you happen to get lost, invert your clothes and you will find your way.)

    www.sukobthemovie.com

  2. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,299
    #2
    Ako personnally hinde pero minsan, wala naman masamang sumonod.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #3
    kapag may patay...

    bawal magwalis ng bahay (yung iba, bawal maligo ang namatayan)

    bawal maghatid ng nakiramay

    dapat eksakto lang ang patay sa coffin.

    pigtas dapat ang hawak na rosaryo ng patay.

    suwerte itaya sa sabong ang pera na pinahawakan sa patay habang nakaburol ito. (kunin mo ang pera bago ilibing ang patay)

    bawal bumuhat ng ataol ang immediate member ng family.

    bawal mauntog sa hamba ng pinto ang ataol.

    bawal na pumasok sa loob ng bahay kapag nailabas na ang ataol.

    kailangan magbasag ng palayok na may tubig sa harap ng bahay kapag nailabas na ang coffin.

    bawal mag-uwi ng candy, mamon, mani, cornik or zesto galing sa lamay.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #4
    sa bedroom huwag mag ulo sa may bintana...

  5. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,849
    #5
    sa pagtulog, wag daw iharap yung tsinelas sa kama. ipagbaliktad na magkabilang way o kaya ilayo, para daw nde mabangungot.

    sa patay den: pagkagaling sa lamay wag dumiretso ng bahay. at pagdating sa bahay labhan daw agad yung damit.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #6
    Quote Originally Posted by ts1n1ta View Post
    sa patay den: pagkagaling sa lamay wag dumiretso ng bahay. at pagdating sa bahay labhan daw agad yung damit.
    sa amin, pag kagaling sa lamay...wag daw agad diretso uwi sa bahay, stop over muna kung saan bago umuwi.

  7. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    1,218
    #7
    Sinusunod ko ibang pamahiin, kahit hindi ako naniniwala. Ayon sa mga naranasan ko ...

    Sa bedroom huwag mag ulo sa may bintana...
    Mahirap makita kung may namboboso o akyat-bahay.

    Kung ikaw ay maligaw, baligtarin mo ang iyong damit at makikita mo ang tamang daan.
    Kung ikaw ay maligaw, baligtarin mo ang iyong direksyon at makakabalik ka sa pinanggalingan mo - hindi ka na ligaw.

    Huwag dumaan sa ilalim ng hagdan dahil malas.
    Baka may mahulog at tumama sa ulo mo, malas nga.

    Pagpasok ng Bagong Taon, dapat may laman na mga barya bulsa mo para isang taon kang may pera.
    Isang taon nga akong may pera ... puro barya din.


  8. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    1,526
    #8
    I always check my wallet before I enter a restaurant.

  9. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    1,488
    #9
    hindi ako masyado naniniwala..

  10. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    9,720
    #10
    Quote Originally Posted by ts1n1ta View Post
    sa patay den: pagkagaling sa lamay wag dumiretso ng bahay. at pagdating sa bahay labhan daw agad yung damit.
    sinusunod din namin to. minsan sasakit na nga ulo mo sa kakaisip ng stop bago umuwi. buti na lang marami raming ministop at 7-11 B)


    ung isa pang pamahiin that di ko dare idisprove: pointing at a full moon na me halo/circle of light around it. bad omen/bringd bad luck daw if you do B)

Page 1 of 5 12345 LastLast
Pamahiin