New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 23
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    5,235
    #1
    ...para sa iyo ito :wink:


    PINOY LESSONS IN LINGUISTICS

    1. Noong 1940's, kapag may bra ang babae,pinagbubulungan na at mababansagang malandi. Noon din ay may French perfume na ang tatakay Eclat (silent T). Kaya ang taong maarte ay tinawag ng mga Pinoy na Eclat (pronounce the T). Ngayon kapag maraming tsetseburetse at kaartehan
    ganon din ang tawag, "Ang dami mo namang eklat." Kinalaunan, pinaikli pa ang eklat at naging ek-ek- "Ang tagal mo namang magdesisyon kung sasama ka o hindi! Ang dami mong ek-ek!"


    2. Noong elementary ako, uso pa ang Wakasan,sinusubaybayan ko ang nobelang Tubig at Langis; ang Movie Especial na komiks kung saan kapanapanabik ang bawat eksena sa buhay ni Zuma na siya namang ama ni Galema. Sa komiks ang tawag sa babaeng nagbebenta ng panandaliang aliw ay baylerina. Kinalaunan, naging belyas, tapos naging English, hospitality girls tapos ngayon GRO.

    3. Elementary ako nang makagisnan ko ang batiang "Give Me Five". Masyado yatang pormal ang handshake kaya "Give me Five, Man" ang pumalit. Tuwang-tuwa ang mga magulang kapag natutunan ng kanilang anak na paslit ang mag-give me five. Tapos sa mga American games,naging High
    Five o "Give me five, up here!" Hindi pahuhuli ang Pinoy basta galing sa America. Ang "Give me five, up here" ay naging "Appear". Halos lahat yata ng Pinoy babies ganito ang series of training, "Anak, where is the light; where is the moon?" Ang nadagdag, "Appear!Appear!" At dahil sa E.T. ni Speilberg, "Align, Align!" Again, Tuwang-tuwa ang mga magulang.

    4. Nang mag- Community Medicine ako noon sa isang slum area ng Sta. Ana, Manila. Ito ang top 3 gamit na hindi mawawala sa mga bahay,gaano mang kaliit ang barung-barong: 1. Panyong may tatak na panalangin ng El Shaddai 2. Television 3. Karaoke.

    Kakambal na ng Pinoy ang pagkanta. Noon, kapag nagkakantahan, gamit ay gitara at song hits
    (Jingle). Napalitan ito nang 70's-80's ng minus one. Tapos, karaoke.Ngayon,videoke, at sa huling talaan ng pagkakaalam ko, 8 na ang namamatay sa "My Way". Naalala ko noong elementary pa ko, nagtayo ang kuya ko at ng kanyang mga kaibigan ng isang Combo. Ngayon, ang tawag sa
    singing group ay--Band, hindi na Combo at ang Combo ngayon ay tumutukoy sa Jollibee o
    McDonald's promo.

    5. Sa PGH, may tinatawag na Central Block. Nandoon ang Radiology Department kung saan ginagawa ang mga X-rays,Ultrasound, CT Scan at Radiotherapy. Dito ko naobserbahan ang evolution ng mga pinoy medical terms. May mga pasyente o bantay na aking nasasalubong, ang
    madalas magtanong ng direksyon.

    Mga Versions ng CT Scan: (Ganon na rin yon, no!)
    1. "Dok saan po ba ang Siete Scan?"
    2. "Doc saan po ba magpapa-CT Skull"
    3. "Doc saan po ba CT Scalp"
    4. "Doc saan po ang CT Scam?"

    * Madalas akong mapagtanungan ng direction papunta sa Cobalt Room.
    "Doc saan po ba ang Cobal" Yes, laging walang T,marami na ang ginagamit na term ay Cobal. Saan napunta ang "T".

    Marami din kasing nagtatanong, "Doc, saan po ba ang papuntang X-Tray?"
    Conclusion: Ang "T" ng Cobalt, ay napunta sa X-Tray.

    * 7:00 am. Nagbigay ang kasamahan kong doktor ng instruction sa bantay ng pasyente, "Mister, punta po kayo sa Central Block at magpa-schedule kayo ng X-ray ng pasyente ninyo."

    3:00 pm. Kadarating lang ng bantay. Nagalit na ang doktor, "Mister, bakit namang napakatagal ninyong bumalik? Pina-schedule ko lang naman ang X-ray ah." Sumagot ang bantay, "Eh kasi po Doc, ang tagal kong naghintay sa gate, haggang sabihin ng guwardiya na sarado daw po ang Central Bank kasi Sabado ngayon." (Nasa Roxas Blvd ang Bangko Sentral ng Pilipinas, at sarado nga naman yon kapag Sabado, hihihihihi)

    6. Nang mag-rotate ako as intern sa Pediatrics ng PGH, mahal na mahal talaga ng mga nanay ang kanilang mga anak na may sakit. Pilit nilang tinatandaan ang mga gamot at tawag sa sakit ng kanilang anak.

    Doktor: "Mrs. ano po ang mga gamot na iniinom ng anak niyo?"
    Mrs 1: "Doc phenobarbiedoll po."
    Doktor: "Ah baka po phenobarbital." (Gamot sa convulsion ang phenobarbital)

    Doktor: "Mrs. ano po ba ang antibiotic na iniinom ng anak ninyo?"
    Mrs 2: "Doc metromanilazole po."
    Doktor: "Ah baka po metronidazole." (Gamot sa amoeba ang metronidazole)

    Ang tawag sa recovery room ng PGH ay PACU (Post-Anesthesia Care Unit)
    Doktor: "Mrs., tapos na po ang operasyong ng anak ninyo, punta na po kayo sa PACU.
    Mrs 3: "Eh Doc, saan po sa Paco? Sa may simbahan po ba o sa may palengke?

    Doktor: "Mrs. ano po ba ang sinabi ng dating doktor kung ano daw ang sakit ng inyong anak?"
    Mrs 4: "Eh Doc sabi po niya Tragedy of Fallot.
    Doktor: "Ah baka po Tetralogy of Fallot (Isang congenital Heart Disease ang Tetralogy of Fallot)Biglang nagtatarang ang isang nanay at sumigaw.

    Mrs. 5: "Scissors! Scissors! Nag-sciscissors ang anak ko, Doc!"
    Doktor: "Nurse, diazepam please, nag-seizure ang pasyente!

    Doktor: "Mrs. ano daw po ba ang sakit ng anak ninyo?"
    Mrs. 6: May ketong daw po.
    In-examine ng doktor ang balat ng pasyente. Wala siyang makitang senyales ng ketong. Tumawag pa siya ng isang dermatologist para mag-examine nang husto. Wala talaga.
    Doktor: "Mrs. sigurado po ba kayong ketong ang sakit ng bata?"
    Mrs 6: "Eh iyon po ang sabi ng doktor niya dati.Mataas daw po ang ketong sa ihi dahil may diabetes."
    Doktor: "Ah ketone po yon! (Ang positive ketone sa ihi ay senyales ng kumplikasyon ng diabetes.)

    Doktor: (Sa buntis na mrs. na nagle-labor) "Mrs.pumutok na po ba ang panubigan mo?"
    Mrs 7: "Eh Doc, wala naman po akong narinig na pagsabog."
    (Hanep!)

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #2
    para kay otep nga yata to. wala akong naintindihan.

  3. Join Date
    Jan 2002
    Posts
    366
    #3
    ok din to ha... kaso di ko na tinapos basahin... haba eh, last lines na lang... bakit kaya para kay kuya otep to???

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    5,235
    #4
    Quote Originally Posted by pnay_fickle_minded
    ok din to ha... kaso di ko na tinapos basahin... haba eh, last lines na lang... bakit kaya para kay kuya otep to???
    he's a often broken hearted MED student :wink:

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,744
    #5
    hehe. Thanks for the laugh lines, afrasay. Reminds me of the stories my wife used to tell... she also took her internship and residency at PGH. Grabe, sinasamahan ko pa sya mag-duty dati pagkagaling ko ng work.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,250
    #6
    afrasay, buhay ka na pala nung 1940's? :mrgreen:
    Signature

  7. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #7
    yan nga naglalaro ng hart ng gals ehh... joooookkkee :mrgreen:

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #8
    afrasay, buhay ka na pala nung 1940's?
    THIS IS THE BEST LINE!!! :mrgreen:

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  9. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #9
    OTEP...para sa iyo to...
    kala ko para na naman sa manyak..:oops:

    hurhuhruhur..!!:mrgreen:

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,796
    #10
    ogags ka kiper..naghahanap ka nanaman ng kalibugan ha...ahhrharhahrharharh

    pero ako din..kala ko bastos kaya ko binasa...herherhehrehr:wink:

Page 1 of 3 123 LastLast
OTEP...