New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 9 of 9
  1. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    274
    #1
    Mga peeps maaga ako nagising, nanood ako ng tv, panay naman patayan dito holdapan diyan saksakan dito. Meron ba kayong alam na mga magagandang balita?

  2. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    4,241
    #2
    eto lang ang mga nakalap kong mga balita...
    kakapasok lang nito sa newsroom kani kanina lang...

    headline bukas ngaun ang broadcast!!!

    * Capt. Hook dumaan sa Quiapo, pinirata!!!

    * Palaisdaan, nasunog!!!

    * Tahanang Walang Hagdan, inakyat!!!

    * Bakla sumali sa away, napasubo!!!

    * Bagong tuli nagyabang, lumaki ang ulo!!!

    * Unanong madre, napagkamalang
    penguin!!!

    * Bulag nakapatay, nagdilim daw ang
    paningin!!!

    * Iceman nanood ng ****o, nag-init!!!

    * Tindera ng suka, tinoyo!!!

    * Teacher nagkamali, tinuruan ng leksyon!!!

    * Lolo naakusahang nang-rape, pero sa
    korte....biktima ayaw tumayo!!!

    * Eroplano nag-crash, lahat ng pasahero
    namatay sabi ng mga survivor!!!

    * Basurero nagsampa ng kaso, binasura!!!

    * Dahil may reklamo, eskwelahan ng mga
    bingi nag-noise barrage!!!

    * Tubero, nagka-tulo!!!

    * Lalaki natagpuang pugot ang ulo, inaalam
    pa kung buhay!!!

    * Barbero tumestigo sa krimen, ayaw
    paniwalaan!!!

    * Misis ng photographer, nakunan!!!

    * Tindera ng tubig, namatay sa uhaw!!!

    * Kaso ng pilay, nilalakad!!!

    * Invisible man, nakita na!!!

    * Bakla lumuhod sa simbahan, pinalabas!!!

    * Labandera nagkamali, sinabon!!!

    * Lalaki kumain ng boneless bangus,
    natinik!!!

    * Janitor sumali sa basketball, nilampaso!!!

    * Paco binaha, kinalawang!!!

    * Dahil lagi raw tulog, guwardiya binantayan!!!

  3. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    6,079
    #3
    Dalawang kalbo, di nagkaintindihan, nagsabunutan!

  4. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    3,067
    #4
    van_wilder at cindy kurleto na daw? akala ko ba si van_wilder at aubrey miles?

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,796
    #5
    van wilder: napatunayang nagsisinungaling!

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,614
    #6
    nakampucha ano na namang kalokohan ng mga tsikoteers ito hahaha

  7. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    274
    #7
    hehee ayos ito ah, nice one mugen.

  8. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    4,241
    #8
    Quote Originally Posted by paulopel
    hehee ayos ito ah, nice one mugen.



  9. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    3,362
    #9
    Di na ako nanonood ng balita... dahil puro masamang balita. Hehe.

News