Quote Originally Posted by Monseratto View Post
Yep...daming townhouses sa New Manila..
Pati mga big lots sa scout area, puro townhouses tinatayo.

Nauna ang scout area sa townhouse. Not the enter the dragon type. No guard needed.

As in late 90s to early 2000s. Ang price noon nasa 3million lang 300sqm na ata yun. Yung parking kaya dalawa kotse sa loob at sa labas mo pa meron mahaba open garahe na kaya apat na kotse double parking. So all in all anim na kotse pwede. ! ! ! ! Matinong developer gumawa nyan.

But pag pasok ng year 2005 eh dahan-dahan na tumaas price. Tapos after ondoy eh jackpot price pag hindi binabaha.

Sa new manila karamihan yung enter the dragon type na harap-harapan, nuo sa nuo. Ayoko ng ganito masyado kulob tapos parking abante atras. Tapos sa labas ng guardhouse may nakabalandra kotse na para dapat sa pedestrian. Pumangit tuloy.

Meron mura townhouse sa new manila yung likod ng jollibee. Sa labas kala mo village pero sa loob eh malilit na townhouse lang. Puro parking sa labas ng bahay.


Quote Originally Posted by mda View Post
To be fair though maganda yung pwesto sa New Manila. You're not too far from everything.

New manila, scout, banawe, timog-tomas, quezon avenue, pocket village ng araneta ave na hindi binabaha, parts of san juan eh gitna talaga sa metro manila.