NAGKAINITAN kahapon ang ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) at miyembro ng Malacaņang Press Corps (MPC) matapos ikulong ang mga reporter sa steel barrier at nagmistulang mga manok sa gitna ng arawan upang hindi masundan si Pangulong Arroyo sa coverage.

Nangyari ang insidente nang magtungo kahapon sa Pandacan oil depot ang Pangulo upang inspeksyunin ang naturang lugar at ipaalala na rin sa mga oil companies na dapat magbaba ng presyo ng krudo dahil sa pagbaba ng taripa ng gobyerno sa oil products.

Matapos magbigay ng anunsyo ang Pangulo kaugnay sa roll back, magtutungo na sana ito sa isang gusali para sa isang eksklusibong pagpupulong doon nang biglang harangin ng PSG at security ng depot ang mga peryodista at agad na ikinulong sa mga steel barrier na hanggang leeg ang taas.

Kalaunan ay nilapitan din ng Pangulo ang mga reporters at humingi ng paumanhin sa pangyayari dahil talagang mahigpit umano sa loob ng depot