New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 10 of 48
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    19,965
    #1
    received this from my email:


    ANG TAMAAN AY HUWAG SANANG MAGAGALIT

    Tayo Rin ang May Kagagawan?

    Sabi MO, ang gobyerno natin ay palpak

    Sabi MO, ang mga batas natin ay sinauna

    Sabi MO, ang lokal na pamahalaan natin ay hindi maganda ang pagkolekta ng basura at ang paglilinis ng mga lugar.

    Sabi MO, hindi gumagana ang mga telepono, katatawanan ang
    kalagayan ng trapiko, at hindi nakakarating sa paroroonan ang mga sulat.

    Sabi MO, parang nasadlak sa basura ang ating buong bansa.

    Sabi Mo, sabi MO, sabi MO.

    E ano'ng ginagawa mo tungkol dito?

    Kumuha ka ng isang taong papunta sa Singapore.

    Bigyan mo sya ng pangalan, yung sa IYO.

    Bigyan MO sya ng mukha, yung sa IYO.

    Lumabas KA sa airport nang pinakamatino mong sarili na
    maipagmamalaki sa mundo.

    Sa Singapore hindi KA nagtatapon ng upos ng sigarilyo sa kalye.

    Ipinagmamalaki MO ang magaganda nilang underpass.

    Nagbabayad KA ng mga 60 pesos para makapagmaneho sa Orchard Road. (parang EDSA) mula alas 5 hanggang alas 8 ng gabi.

    Bumalik KA sa parking lot para bayaran ang parking tiket mo kung
    napasobra ka ng oras sa shopping o sa pagkain sa isang restaurant,

    Sa Singapore, wala Kang sinasabi, meron ba?

    Hindi MO susubukang kumain sa lantad kapag Ramadan sa Dubai.

    Hindi MO susubukang lumabas ng bahay na walang takip ang mukha sa Jeddah.

    Hindi MO susubukang lagyan ang isang empleyado ng kumpanya ng telepono sa London para mapunta sa ibang tao ang mga long distance na tawag mo.

    Hindi MO susubukang lumampas ng 90 kilometers per hour sa
    Washington, at saka sasabihin sa pulis "Alam mo kung sino ako?"

    Bakit di MO subukang dumura o magtapon ng upos ng sigarilyo o
    balat ng kendi sa mga kalye sa Tokyo?

    Bakit hindi MO subukang bumili ng pekeng mga papeles sa Boston
    tulad ng ginagawa sa Recto?

    Pinag-uusapan pa rin natin IKAW.

    Ikaw na gumagalang at sumusunod sa patakarang banyaga sa ibang bansa pero hindi makasunod sa sarili mong lugar.

    IKAW na tapon ng tapon sa kalye pagtuntong mo pa lang sa lupa.

    Kung IKAW ay nakikisalamuha at pumupuri ng systema sa bansang banyaga, bakit hindi KA maging ganyan sa Pilipinas?

    Minsan sa isang panayam, ang dating Subic Administrator na si Gordon ay may katwiran ng sinabi nyang "Ang mga aso ng mayayaman ay pinalalakad at pinadudumi ng may-ari sa kalye, tapos sila mismo ang pumupuna sa may katungkulan sa kapalpakan sa paglilinis ng mga kalye.

    Ano ang gusto nilang gawin ng mga may katungkulan?

    Magwalis tuwing makakaramdam ng hindi maganda sa tiyan ang kanilang alaga?

    Sa America, bawat may-ari ng alaga ay dapat maglinis matapos ang pagdumi ng aso.

    Ganuon din sa Japan.

    Gagawin ba ng mga Pilipino yun dito? Tama sya.

    Pumupunta tayo sa botohan para pumili ng gobyerno at pagkatapos nuon ay tinatanggal na natin sa sarili ang responsibilidad.

    Uupo tayo sa isang tabi at maghihintay ng pagkalinga at umaasa na gagawin ng gobyerno ang lahat habang wala tayong iniaalay.

    Umaasa tayo sa pamahalaan na maglinis, ngunit hindi naman tayo titigil sa pagtatapon ng basura sa kung saan-saan, at ni hindi tayo pupulot ng anumang piraso ng papel para itapon sa basurahan.

    Pagdating sa mga panlipunang talakayin tulad nang hindi pagiging tapat sa kasal, sa mga dalagang ina, sa pagtatalik ng walang basbas ng kasal, at iba pa, maingay tayong nagpoprotesta ngunit patuloy naman nating ginagawa ang mga ito.

    Sa sandaling tayo ay mangulila kapag nasa labas tayo ng bansa,
    naghahanap tayo ng aliw sa iba, kadalasan sa kapwa rin natin Pilipino, na hindi natin iniisip ang ating katungkulan na ating sinumpaan sa ating pamilya nuong narito pa tayo.

    Tapos sinisisi natin ang pamahalaan kapag nakikita natin ang karahasan sa kabataan, pagkagumon sa bawal na gamot, at iba pa, samantalang sinimulan natin ito sa hindi pagpansin sa pangangailangan ng ating mga anak ng tunay na pag-gabay at responsibilidad ng isang magulang.

    Ang sabi natin, "Ang buong sistema ang kailangang magbago. Ano ang magagawa kung ako lang ang magpapabago sa aking pamilya?" E sino ang magbabago ng sistema?

    Ano ba ang mga sangkap ng sistema?

    Napakaginhawa sa atin na ang sistema ay binubuo ng ating mga kapitbahay, mga ibang tahanan, ibang syudad, ibang komunidad, at ang pamahalaan.

    Pero hindi kasama IKAW at AKO.

    Pagdating sa ating pagkakaroon ng positibong handog sa sistema, ikinakandado natin ang sarili, pati na ang ating pamilya sa loob ng isang ligtas na pugad at tumatanaw na lang tayo sa malayong mga lugar at bansa at naghihintay ng isang Mr. Clean na dumating at maghatid na mga himala. O lumilikas tayo.

    Parang mga tamad na duwag na hindi pinatatahimik ng ating mga
    takot, tumatakbo tayo sa Amerika upang makisalo sa kanilang luwalhati at purihin sa kanilang sistema.

    Pero pag naging masalimuot sa New York tatakbo tayo sa japan o Hongkong. Pag nagkahirapan ang paghanap ng trabaho sa Hongkong, sakay agad tayo sa susunod na eroplano patungong Gitnang Silangan. Pag may digmaan sa Gulf War, inaasahan nating masagip at mapauwi ng Gobyernong Pilipino.

    Lahat ay handang umabuso at gumahasa sa bansa. Walang nag-iisip na handugan ang sistema. Ang konsyensya natin ay nakasanla sa pera.

    Mga mahal kong kababayan, ang sulating ito ay matinding nakakakislot ng isipan, nangangailangan ng maraming pagmumuni-muni, at tumutusok din sa konsyensya.

    Medyo inuulit ko lang ayon sa ating salita ang mga salita ni J.F. Kennedy sa kanyang kabansa upang maitugma sa ating mga Pilipino.

    "Itanong natin kung ano ang magagawa natin sa ating bansang
    Pilipinas at gawin ang nararapat upang ang Pilipinas ay maging tulad ng America at ibang kanlurang Bansa ngayon."

    Gawin natin kung ano ang kailangan ng Pilipinas sa atin.

    Ipasa ito sa lahat ng Pilipino.
    Signature

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,796
    #2
    kaya namang sumunod sa batas trapiko pero ayaw gawin...tingnan mo nalang ang pilipino pag nasa subic...KAYA NAMAN PALA SUMUNOD!!!pero pag nandito sa maynila..josko parang mga baboy na nakawala sa hawla...

    ako aaminin ko ginagawa ko ang iba sa mga nasa taas..pero maipagmamalaki ko na sumusunod ako sa KARAMIHAN ng lahat ng batas para dito manlang ay makatulong ako....

  3. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    4,241
    #3
    oo nga naman... bakit sa ibang bansa napakataas ng pagtingin natin pagnandun tayo sa kanilan lugar... nirerespeto natin at sinusunod ang mga patakaran at mga batas nila...

    bakit sa ating sariling bansa hindi natin magawa yung mga bagay na iyon tulad ng pagtingin natin sa bansa ng iba?... hmmm....

    wala ng mangyayari sa bansa natin kapag lahat ay ganito at palagi nalang ganito ang nasa utak natin...

    PILIPINO NGA NAMAN!!!! Only in the philippines....

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,107
    #4
    Sad but true ;)

  5. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    653
    #5
    masalimuot ang buhay ng pinoy; if people ask me what went wrong with our identity as a filipino I just smile and shrugged in a "dedma" fashion, tap their shoulder and say, "let's change topics guys, pleasssseee.."

    nakakasira talaga ng araw isipin ang kalagayan nang lahi natin..

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,801
    #6
    yung mga kapwa natin kse sa Pinas, nawawalan agad ng pag-asa.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    19,965
    #7
    ang ganda sigurong i-print yan tapos ipamigay sa mga schools sa mga students...
    Signature

  8. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    663
    #8
    talangka mentality... kanya-kanyang unahan, gulanga at lamangan... sa kalye palang, kita mo na ang ganyang ugali... motorista at pedestrian...

    kapag-nagbago ang ugali ng pinoy sa kalye, makikita rin ang pagbabago sa pinas.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,824
    #9
    basically, FILIPINOS are blamers... they blame everyone except themselves...

    dito lang nga sa galleria... kapag bumababa ako papuntang ibang building para sa meeting, makikita mo ang daming nag lalakwatsa... ba't hindi sila mag trabaho???

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #10
    marami nga nasa tsikot.com during office hours! hehehe.... (guilty ako dun.)

    very filipino ba? :D

Page 1 of 5 12345 LastLast
A Look At Filipino Mentality