Ang problema ay nasa ating lahat... nakakalungkot isipin...
Tayo mismo, di tayo sumusunod sa "tama" at "dapat" kung walang nakabantay... We don't have the initiative to do the right thing... Gusto natin, lagi tayong nakaka-isa. Gusto natin, mas lamang tayo lagi. Let's face it, we are relatively "selfish" in nature.
Pero kung wala tayo sa ating teritoryo, at alam natin na may masmataas sa atin, marunong naman tayong sumunod... Sana lang maisip natin na may nakabantay man o wala, dapat nating gawin ang wasto at tama... kundi, hanggang dito nalang ang mararating nating mga Pilipino.
Maari tayong umusbong sa ibang bansa, pero di natin kayang pa-usbongin ang sariling bansa natin kung ganito tayo...