be ready for additional monthly and yearly expenses..
ask magkano association dues.. some condos goes from 50 to 120 per sqm per month.. minsan kasama din yung parking space (12 to 15sqm din to) sa computation nang dues..
some condos also adds 10% sa utilities.. water and electricity.. also some condos not purely residential.. iba ang rate nang water.. mataas compared to residential households..
then you have the yearly building insurance.. ask if this is paid in full or in installment.. mabigat din kasi pag nagkasabay sabay.. tapos may insurance on common areas and mechanical etc..
then yung yearly RPT tax.. iba iba ang rate kada city.. tapos depende din sa zonal value..
also magkano rentals sa parking space.. is it worth to buy one? or just rent? gano kalalim yung basement parking.. pwede ba mag park sa harap or kailangan sa parking mo lang.. minsan kasi hassle aalis ka pa tapos ang parking mo basement 4.. pag walang parking sa taas.. park ka pa sa basement 4.. eh paapaano kung 5x ka umalis that day.. 5x ka babalik balik sa basement 4.. also check kung may available bang visitor parking.. sa ibang condo wala.. or yung iba charges too high.. like 40.00 per hour.. hassle sa mga visitors..
check mo din kung may mga convenience store na malapit.. mas maganda kung 24 hours.. para pag may kailangan ka mabilis makakuha nang supplies.. may malapit bang water refilling station? malapit na laundry? ok ba ang palibot nang condo? yung iba kasing condo.. delikado maglakad sa labas kasi maraming squatters sa palibot..
check mo din kung pwede magpasok nang LPG tank.. may ibang condos bawal ang LPG tanks.. so electric ang gamit pagluto.. medyo mahal yan..
check mo din kung pwede maglagay nang window type aircon.. yung iba walang provision sa ganyan.. puro split type.. so medyo additional expense na naman yan..
ilan ang elevators.. may service lift ba?? malaking issue yang elevators.. expect na malimit masira yan sa dami nang gumagamit.. ilan ang units per floor.. mas madaming units.. mas madaming tao.. tapos kung 2 lang ang elevator... patay ka pag rush hour sa umaga and sa gabi.. tapos sira pa yung isa.. or walang service lift so ginagamit na service lift yung isa..
kailangan consider lahat to..




Reply With Quote

