mga pasado alas otso ng gabi kanina pauwi ako galing sa target shooting. natagalan ng konti kasi nakipagkwentuhan pa sa kaibigan ko. habang ako ay naglalakad papunta sa parking lot (mga four blocks ang layo sa pinanggalingan ko) may tarantadong mama (around 40's - 50's) hindi nag stop. kamuntikan na (inches away) ako.

mabilis ang takbo nya at alam ko na over ang speed nya sa posted limit na 30 mph. nag-init ang ulo ko at ibinato ko ang hawak kong juice sa kanyang puting toyota 4-runner. nagalit sya at tumigil. sinalubong ko. naglabas sya ng baton at sabi nya ay tuturuan daw nya ako ng leksyon :lol: kalmado lang ako at sinabi kong muntik na nya akong masagasahan.

galit pa rin siya at hahatawin na daw nya ako. umakyat na rin ang dugo ko sa ulo ko kasi ang dami lumabas sa bunganga nya na sana tinuluyan na lang daw nya ako, "tang*** kang homeless ka", etc. :lol: pinipigilan ko ang sarili ko na ilabas yung ginamit kung pang target shooting na 9mm. ang daming tumakbo sa isipan ko mga tsong...talagang parang tinutulak na rin ako ng demonyo na ilabas yung kargada ko pero habang gusto kong ilabas naiisip ko ang pamilya ko...ang hirap pero kinakagat ko ang bibig ko. ang sabi ko sa kanya, "kung may bayag ka ihataw mo yang baton mo." pero di naman nya kaya. parang tinatakot lang nya ako. pero naka unlock na ang case ko kung saka-sakali.

alam ko mali ang ginawa kong pambabato sa kanyang sasakyan pero p**ang *** kamuntikan na ako. sino ba namang tao na muntik nang masagasaan ang hindi mag iinit ng ulo nya? ang iniisip ko ngayon, siguro kung iba lang ang estado ko sa buhay, baka napwersa na akong itumba sya...

hanggang ngayon malakas pa rin ang adrenaline rush nong pangyayari kaya pati kliente ko hindi ko na sinipot kanina. iniisip ko pa rin ang nanayari kung ano kaya kung sya ang tinuruan ko ng leksyon...etc. nawalan na rin ako ng ganang kumain.

ikaw tsong? kung sa iyo nangyari iyon, ano ang gagawin mo?