New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 21
  1. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,046
    #1
    mga pasado alas otso ng gabi kanina pauwi ako galing sa target shooting. natagalan ng konti kasi nakipagkwentuhan pa sa kaibigan ko. habang ako ay naglalakad papunta sa parking lot (mga four blocks ang layo sa pinanggalingan ko) may tarantadong mama (around 40's - 50's) hindi nag stop. kamuntikan na (inches away) ako.

    mabilis ang takbo nya at alam ko na over ang speed nya sa posted limit na 30 mph. nag-init ang ulo ko at ibinato ko ang hawak kong juice sa kanyang puting toyota 4-runner. nagalit sya at tumigil. sinalubong ko. naglabas sya ng baton at sabi nya ay tuturuan daw nya ako ng leksyon :lol: kalmado lang ako at sinabi kong muntik na nya akong masagasahan.

    galit pa rin siya at hahatawin na daw nya ako. umakyat na rin ang dugo ko sa ulo ko kasi ang dami lumabas sa bunganga nya na sana tinuluyan na lang daw nya ako, "tang*** kang homeless ka", etc. :lol: pinipigilan ko ang sarili ko na ilabas yung ginamit kung pang target shooting na 9mm. ang daming tumakbo sa isipan ko mga tsong...talagang parang tinutulak na rin ako ng demonyo na ilabas yung kargada ko pero habang gusto kong ilabas naiisip ko ang pamilya ko...ang hirap pero kinakagat ko ang bibig ko. ang sabi ko sa kanya, "kung may bayag ka ihataw mo yang baton mo." pero di naman nya kaya. parang tinatakot lang nya ako. pero naka unlock na ang case ko kung saka-sakali.

    alam ko mali ang ginawa kong pambabato sa kanyang sasakyan pero p**ang *** kamuntikan na ako. sino ba namang tao na muntik nang masagasaan ang hindi mag iinit ng ulo nya? ang iniisip ko ngayon, siguro kung iba lang ang estado ko sa buhay, baka napwersa na akong itumba sya...

    hanggang ngayon malakas pa rin ang adrenaline rush nong pangyayari kaya pati kliente ko hindi ko na sinipot kanina. iniisip ko pa rin ang nanayari kung ano kaya kung sya ang tinuruan ko ng leksyon...etc. nawalan na rin ako ng ganang kumain.

    ikaw tsong? kung sa iyo nangyari iyon, ano ang gagawin mo?

  2. Join Date
    May 2005
    Posts
    4,819
    #2
    kung ako nasa kalagayan mo, isusulat ko dito plate number nya!

    buti naman at nakapag-pigil ka pa...with that situation na naka-amba ang pamalo nya, medyo iba na ang magiging dating sa akin nyan.

    ot: kapampangan ka?

  3. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,046
    #3
    Quote Originally Posted by claRkEnt View Post
    kung ako nasa kalagayan mo, isusulat ko dito plate number nya!

    buti naman at nakapag-pigil ka pa...with that situation na naka-amba ang pamalo nya, medyo iba na ang magiging dating sa akin nyan.

    ot: kapampangan ka?

    noong mas bata ako ay mas wala akong control sa sarili ko. siguro kung nangyari yan noong early 20's ako o kaya noong wala pa akong pamilya siguro iba ang naging desisyon ko.

    yung plate number nya ang pinakahuli sa mga concerns ko kanina. ang tumatakbo sa isipan ko kanina ay ang pamilya ko at kung ano gagawin ko sa mama. tinitignan ko kung itataas nya yung kamay nya na may hawak ng baton pero hindi nya maitaas. parang kunwari itataas pero di naman magawa. ok lang sana kung hindi sya naglabas ng armas wala sanang problema. tatalikuran ko na lang sana at pagtawana pero ayokong iharap ang likod ko sa kanya na may nakaambang pamalo sa aking ulo.

    naka ready pa rin ako na hugutin ang nasa loob ng case ko kung sakali na kinakailangan kung depensahan ang sarili ko sa taong may armas. alam ko masakit ang tama ng baton kaya naka ready pa rin ako kanina. yung mga mura nya hindi ko na pinakinggan. ang mga mata ko ay nakatingin sa kamay nya at sa kapaligiran ko kung may mga ibang tao na nakatingin.

    isa pang kinakatakutan ko kanina ay baka may dumaan na pulis. madami kasi ang dumadaan na patrol cars doon kasi six blocks police station. ang lakas pa naman ng boses na parang nasa peryahan :lol: baka maka attract ng attention. maski may lisensya ang baril ko, loaded pa rin. bawal iyon sa public.

    di pa rin ako mapakali dahil kalahati ng isip ko ay sinasabing hinugot ko na sana pero kalahati naman ay sinasabing tama ang desisyon ko na controlin ang sarili ko. sinasabi ko na lang sa sarili ko habang ako ay nagmamanehong pauwi siguro pagsubok lang iyon sa akin kung gaano ko kayang controlin ang sarili ko. ewan ko ba kung bakit naisipan kong pumunta sa shooting range. dati dati kasi late akong umaalis sa trabaho.

    bro, tubong norte ako sa marcos province.
    Last edited by n2knee; March 6th, 2008 at 02:16 PM.

  4. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    1,620
    #4
    just let it go..btw, san city at state nangyari yan?

  5. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #5
    Tama ang ginawa mo bro, PRO GUN ika nga. Alam mo na ibig sabihin. The most important is the R-esponsible. dahil me dala ka naman, tama na wag ialis ang mata sa hawak niya, madaling ilagan yan, basta wag ka lang magpapalapit, maari kang umatras pag umabante siya, (walang kaso dun) now kung iba ang nilabas niya either matulis (atras pa rin) never na mauna – sagutin mo lang lahat ng binabato nyang salita.

    tama ang inisip mo’t di ka nagpadaig sa demonyo pero kung same sa ‘yo nilabas niya YUN na meaning pwede na! pero mabuti na rin at di umabot dun – sisi lang rin sa huli ano man ang naging outcome. My 2 cents

  6. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,046
    #6
    Quote Originally Posted by HyBrideVo View Post
    just let it go..btw, san city at state nangyari yan?

    SF, CA bro.

    kaya nga bro, sinusulat ko dito para lang maka pag vent out. sobra kasi yung adrenaline rush ng pangyayari at galit ko kaya tuloy nawalan ako ng ganang mag dinner at hindi ko na rin siniput ang tatlong taong naki pag appointment sa akin kanina. ayokong ikwento ito sa pamilya ko dahil, una, hindi nila alam na mayron akong baril. pangalawa ako pa rin ang sisisihin ng mga magulang ko lalo na ang tatay ko. sya kasi yung taong hindi gusto ng away. ayoko rin na ikwento sa mga kaibigan ko kasi baka sabihin nila out of control na naman ako kagaya noong ako ay mas bata pa...

  7. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,046
    #7
    Quote Originally Posted by XTO View Post
    Tama ang ginawa mo bro, PRO GUN ika nga. Alam mo na ibig sabihin. The most important is the R-esponsible. dahil me dala ka naman, tama na wag ialis ang mata sa hawak niya, madaling ilagan yan, basta wag ka lang magpapalapit, maari kang umatras pag umabante siya, (walang kaso dun) now kung iba ang nilabas niya either matulis (atras pa rin) never na mauna – sagutin mo lang lahat ng binabato nyang salita.

    tama ang inisip mo’t di ka nagpadaig sa demonyo pero kung same sa ‘yo nilabas niya YUN na meaning pwede na! pero mabuti na rin at di umabot dun – sisi lang rin sa huli ano man ang naging outcome. My 2 cents
    nakipagmurahan ako sa una at pinagtawanan ko pa sya lalo na noong sabihin nyang homeless ako :lol: ewan ko ba kung paano pumasok sa isipan nya na homeless ako eh naka semi-formal ako kagaya ng ginagamit ko sa trabaho. pero noong talagang galit na ako, hindi na ako nagsasalita. hinayaan ko na lang syang magdada. ako kasi yung tipo na pag galit na ay hindi na nagsasalita. inoobserbahan ko na lang ang mga kilos nya.

    whewww..medyo nakatulong ang pag vent out ko dito. gumaan ng konti ang pakiramdam. makalabas nga muna at magpapahangin lang...

  8. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #8
    Quote Originally Posted by n2knee View Post
    nakipagmurahan ako sa una at pinagtawanan ko pa sya lalo na noong sabihin nyang homeless ako :lol: ewan ko ba kung paano pumasok sa isipan nya na homeless ako eh naka semi-formal ako kagaya ng ginagamit ko sa trabaho. pero noong talagang galit na ako, hindi na ako nagsasalita. hinayaan ko na lang syang magdada. ako kasi yung tipo na pag galit na ay hindi na nagsasalita. inoobserbahan ko na lang ang mga kilos nya.

    whewww..medyo nakatulong ang pag vent out ko dito. gumaan ng konti ang pakiramdam. makalabas nga muna at magpapahangin lang...
    Yep lilipas rin yan,,, di naman kaduwagan ang umiwas eh yun nga lang minsan talaga tayo rin ang gustong magturo ng leksyon pero in the end mabuti pa ring wag na. parehas talo eh.

    sa may amin nga taxi naman (they have this manner na parang walang nakikita pag tao lang ang masasagi nila) ang ginawa ko sinipa ko yung pinto niya paglagpas. Eh di tumigil si mamang taxi bakit ko daw sinipa pinto niya? Talagang papatulan ko. pero kung di taxi yun iwan rin syempre – mahirap na baka may baril eh pano rin pamilya ko.

    Sabi ko abusado kayo ah! (sabay tingin tingin sa pasahero niyang chick baka marami sila eh) pag wala kayong pasahero para kayong nasa prosisyon sa bagal ah pero pag me laman kayo para kayong mauubusan ng kalye. Inantay ko siyang bumaba pero mabuti’t hindi naman napahiya siguro. kundi naabala pa pag punta ko sa palengke.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,065
    #9
    dapat sa ganayn meron kang killer instinct, barilin mo agad :gun: hehehhee

    seriously, you did the right thing...tingnan mo nagpasensiya ka, eh di walang gulo, natapos yun incident na walang nasaktan...

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    509
    #10
    I admire your self-control. Knowing my lack of self-restraint and if I was in your situation, I would have drawn the gun. But at this point, the situation can go from bad to worse.

    So tama lang ginawa mo, you made the right choice. I was just an exchange of bad words which will easily evaporate in due time. Imagine, if you drew the gun, you could now be in the police station and calling up your lawyer to face a lawsuit or a criminal charge. Ok na yan, at least nakakapag-login ka pa dito to vent your anger.

Page 1 of 3 123 LastLast
kung muntik kang masagasahan anong gagawin mo?