Nakakatawa naman itong balitang ito. Pwede palang mangyari ito sa tao. Pero malaking kahihiyan itong mga involved na "celebrities".


===========================================


Ari Di Mahugot


DAGUPAN, Pangasinan --- Isang retiradong Principal ng isang pampublikong paaralan sa Pangasinan ang kinumpirmang nalagay sa alanganing sitwasyon matapos na mabigong hugutin ang ari nito mula sa kanyang kalaguyo habang nasa mainitang pagtatalik sa loob ng isang motel dito.

Ayon kay Dr. Leonard Carbonel, City Health Officer ng Dagupan, posibleng nagkaroon ng muscle spasm o nag-cramps ang ari ng babae na kumare pa ng retiradong principal, kung kaya’t naipit ang ari ng lalake dahilan upang hindi nito matanggal habang nagtatalik ang dalawa.

Ayon sa isang source, napilitang tawagan ng lalake ang kanyang anak upang sunduin sila sa motel at dahil sa kahihiyan ay nagtalukbong na lamang ng kumot ang dalawa upang maitago ang kanilang pagkakakilanlan.

Isinakay umano ang dalawa at isinugod sa ospital at doon na napaghiwalay. Ayon kay Dr.Carbonnel na dalawang beses nang nakakita sa ganoong kundisyon sa buo nitong medical career at kadalasang ginagawa ay tuturukan ng sedative ang babae upang kumalma ang pakiramdam.

Sinabi ng doktor na bagamat hindi ito nakamamatay, sadyang napakahirap ito sa babae dahil sa kirot na nararamdaman nito sa bawat paggalaw ng naipiit na ari ng lalaki.