Unang una sa akin, humanap ng paraan, para bumagal ang pag dami ng tao dito sa atin. Hangga't patuloy na nagpaparami ang mga tao, hindi tayo mauubusan ng hahanapan ng trabaho, pabahay, laging magkukulang ang mga facilities natin. Malaking problema dito ang pag tutol ng mga religious groups, kasi "go forth and multiply" e. Pero kailangan mahanapan ng paraan.

Tapos, tama si Boss Chip, yung mga nandyan nang mga "excess" citizens, dapat hanapan sila ng mga magagawa, hindi yung nandyan lang ,nakatunganga, naghihintay ng grasya, o di kaya ay nangaagaw/nagnanakaw ng pinaghirapan ng iba.

Meron na tayong study now pay later di ba? E di gamitin yun para mabigyan ng basic education yung mga squatters, para at least pwede na silang maging kahit na factory workers man lang.

Dapat aware ang public sa details ng budget ng mga projects before ma execute yun, para simula pa lang alam na kung merong niluluto ang official.

Dapat mas madevelop ang tourism, madaming pera sa turismo. Napaka ganda ng bansa natin, dapat pangalagaan pero pwede ring kasabay nun ay pagkakitaan. More jobs para sa mga tao sa provice, hindi na nila kailangan makisiksik dito sa manila.

ito lang muna.