True.
Right now, we're employing this kid as a helper in our foodcart business. Actually, pamangkin siya ni misis, anak ng pinsan niya. Kinuha namin siya sa Bicol para makatulong sa negosyo, in exchange, pag-aaralin siya sa kolehiyo at bibigyan pa ng allowance. We don't know how her life was in Bicol, pero kelangan pa siyang tutukan when it comes to even the most menial tasks. Ultimo magsaing, magwalis o maghugas ng pinggan, hindi siya nagkukusa. Nakahiga lang sa sala buong araw, nood ng TV o kaya tulog. Ni hindi man lang tumulong sa maid. Dalawang beses na nga siyang nakagalitan eh, na hindi siya pinatira sa amin para magbakasyon kundi para pagtrabahuhan ang kinabukasan niya. When we asked her if she wanted to pursue her studies (high school graduate siya), ayaw na daw niya. Tinatamad daw siyang mag-aral.
Pursigido talaga kami na matuto siya, kasi mukhang walang pangarap ang mga magulang niya sa dami nilang magkakapatid, sayang naman kung pati siya hanggang dun na lang. Sabi ni misis, sa angkan nila sa mother's side, tatlo lang silang nakapagtapos. Mga pinsan niya, wala na ngang natapos, panay pa ang anak kaya hindi na umahon sa kahirapan. Kaya gusto din niyang tulungan kahit papano. Pero dapat, tulungan din nila yung mga sarili nila.






Reply With Quote