New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 9 of 9
  1. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    1,419
    #1
    Mga bro kwento ko lang, kasi yesterday from edsa going to crowne plaza at tha back of robinson galleria hinuli ako ng mmda kasi disregarding traffic sign daw ako, nakasignal light ako to turn right sa ortigas pero yung lane na dinaanan ko for PUV lang daw dapat nasa lesftmost lane ako kasi itong lane lang na ito ang allowed for private vehicles, at pagdating sa kanto doon na ako mag right turn, nakipagtalo ng ako kasi wala naman sign at ang tinturo ng mmda ay ang nakasulat sa kalye naPUV pero halos hindi mona mabasa kasi burado na or natatakpan ng bagong tapal na aspalto, kinuha ang license ko at sabay sabi boss violation kayo disregarding trapic sign at 150pesos ang penalty niyan sabay pakita ng mga price list ng mga violation at sabay sabi ng "sa mga violation penalty na binabayaran niyo doon lang kami kumikita meron lang kaming 10% commission sa penalty charges". kaya binigyan ko na lang ng 50pesos para iwas abala. at pagkabigay ko sabi ng mmda "boss pag liko nyo sa kanan ingat kayo at meron naghuhuli ulit diyan". Bawal ba talaga dumaan doon kahit wala naman bus at pa right turn naman ako, kasi di ko alam yon from cavite ako.

  2. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    849
    #2
    Oo strikto nga sila sa ganito. Pero kung talaga namang hindi nakikita yung sign hindi ka dapat nagpatalo sinabi mo sana tiga Cavite ka at malay mo ba dun kung hindi nman nakikita yung sign.

    On the other side, talagang take advantage ang mmda dito parang makakotong ang hinayupak na mga buwaya. Kung may nakita ka sanang TAXI na dunadaan sa private lane ayun pwede mong isampal sa mmda kung hindi nila hinuli.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #3
    bawal nga dun... babaan ng bus kasi yon. pwede mo lang occupy yung rightmost lane after sa loading/unloading zone.

  4. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    1,419
    #4
    yun ng bago mag shrine kasi kaya pang bus lang daw, kaya iwas abala binigyan ko na, ayaw ko talagang magbigay kaso si mrs sa bigyan ko na nakikipagtalo ng ako kaso sabi ni mrs 50pesos lang kaysa maabala pa bigay na, kung tutuluyan ang ticket 150pesos and abala sa pag bayad pa. hindi ko kasing alam na bawal doo, atleast ngayon alam ko na.

  5. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #5
    Ignorance of law is not an excuse. MMDA traffic enforcers would strictly implement the traffic laws if they wanted to make money out of them.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #6
    Ganyan nangyari sakin 2months ago papunta ako ng Mall of Asia, hindi ko na pansin na Uturn yata yung na pilahan ko since tagal ko hindi naka punta don at saka medyo madilim na. Then ng malaman ko na UTurn pala may space pa naman at libre yung other lane so lipat ako biglang may Humarang sakin na Isang malaking lalake na MMDA.. gumitna talaga sya, Ginawa ko inunahan ko ng Galit.. baba agad itinigil ko talaga sa Gitna din ang sasakyan ko. tapos sabay nag mamadali akong palapit sa kanya at kunwari ako pa galit na nag tanong ano violation ko.... hahaha. To make story short ayon sya pa nag sorry sabi sakin "Hindi naman po lahat ng Pinapara eh Hinuhuli"

    Malas nya na unahan ko sya sinabihan ko lang na balik bayan ako malay ko dyan wala naman kayo signboard

  7. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    469
    #7
    *raine: mga what time ba ser? pag mga 11am, 3pm, saka mga 6pm PEAK hours yan! just kidding. yep, bawal nga dun. alam mo naman mga ENG-ENG-DA malakas ang kumpetisyon dyan, lalo na sa PUB lane sa Edsa. Ingat na lang ser next time. naalala ko tuloy yung kakilala ko sa MMDA, pauwi na't lahat sa probinsya naka 4k pa sa kakapara sa Edsa. hahaha!

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,219
    #8
    ang alam ko talga meron sinasabi sa batas na kapag di malinaw ang signboards sa mga traffic violations, like in your case, pwede mo talga i-contest at panalo ka. yun nga lang, diko matandaan kung anong Law,at shempre, gagawin mo yan sa harap ng husgado-- talgang maabala ka with our current snail paced justice system . Di ko makita yung law na reference nyan but I read it a long time ago sa isang legal opinion column sa newspaper.

    any lawyers around who might know this?

  9. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    3,601
    #9
    Pricelist ng penalties? Napaghahalata na yan

HULI ka