gleng gleng naman ng love story mo sir happiman at yebo...

na meet ko wifey ko dahil sa CB (citizen band). Sinagot nya ako Nov 26, 1988. Pakasal kami sa huwes may 1992 dahil na tes-bun ko sya (hindi ko makalimutan ung sermon na inabot ko sa nanay nya he he he). Lumabas ung panganay namin Oct, 1992. tapos may dalawa pang sumunod. Nagpakasal kami sa church last year lang (almost 10 years). Ring and bible bearer ung 2 kong lalaki at flower girl ung panganay kong babae. At maipagmamalaki ko lang eh nasaksihan nila ang kasal namin ng nanay nila at hindi na cla magtatanong kung bakit wala kaming wedding pictures.

Yung CB namin?????? nakatago pa din. Hindi ko pinagagamit sa anak kong babae at baka mapalaka ng maaga. Mahirap na.