ako last year lang. wala na ko balak mag-asawa kasi 2 times nang na totally devastated, sinagasaan ng pison, nilagay sa blender at pinaputukan ng atomic bomb ang puso ko (korny ko hehehe!) so i was by my lonesome but happy-go-lucky self buying levi's at SM north. kita ko siya. ang ganda! parang crush ko yata ah. hmmmm? kaya lang bata pa, wag na lang kaya...

she looked at me at nag-meet pa eyes namin. smile ako, smile din sya pero tumalikod tinago yung smile nya. abala din siya tumingin ng jeans sa kabilang booth. then she went dun sa levi's section....

"ahh, miss. sa tingin mo bagay kaya sa akin to?" shet ang kapal!

sa isip-isip naman daw nya, "hmmm, bentahan ko kaya ng insurance itong ugok na to?" hehehehe, area manager siya sa philam insurance kasi.

so yun ang umpisa. love at first sight ako. siya naman tingin niya sa akin prospect na bentahan ng insurance. 24 years old siya, ako 38 na.

bigay ng cel number, tawag, text. benta siya insurance sa akin pero meron na ako ayaw ko bumili. lunch date, then dinner that same week. yun na araw-araw na ko dalaw sa kanya. by the middle of the 2nd week everyday na kami lunch or dinner. before the end of the 1 month syota ko na.

umalis ako papunta malaysia after 1 month. nung nasa airport ako sa naia, text ako sa kanya "will you marry me?" sagot nya "bago lang tayo, nagbibiro ka ba? di ka pa sigurado eh." sagot ako "sure na ko, will you marry me?" sagot sya "yes." ayun nasa SM centerpoint pala siya, iyak daw siya dun. ako naman binilihan ko ng beer lahat ng andun sa bar sa airport hehehehe!

everyday text kami via chikka text. plano ng life. usap ng kung ano expect niya sa akin at sa relationship namin.

pag uwi ko 2 weeks later (namatay kasi aunt ko kaya ako umuwi) plano namin kasal namin sa civil. kelan kami pakasal sa simbahan. punta sa aunt saka lola niya, paalam kami (wala kasi parents nya sa manila nasa negros). usap ko parents niya sa phone lang.

kinasal kami that same month sa kaloocan, civil muna. saka lang kami naka-uwi sa negros para i-meet parents nya.

last january kinasal kami sa simbahan.

3 months pregnant na kami. at everyday, pag andito ako sa work, chikka text pa rin kami. almost 50 text messages per day, minsan sobra pa. sa computer ako sa cel phone sya. di na siya nagwo-work, malalayo kasi assignment nya minsan punta pa siya ng davao o gensan kung may sales promo sila. siya na lang binentahan ko ng insurance hahahaha! insurance na mamahalin ko siya for life!