grabe talaga yan, kami ginawa kami FREE travel agent/loan agency ng mga lintek na maids last year. three times nagpakuha kami sa agent sa probinsya, sagot namin pasahe sa barko tapos pag dating babale agad ng 1 month na sweldo. tapos ayun nung nakarating na sa manila ang ginagawa e tatawag sa mga kamaganak nila o kilala maghahanap agad ng ibang papasukan. yung una 2 maids lumipat agad after 2 months lang. e binigay naman namin yung hiling nya na kung magustuhan namin ang work nila e dagdag agad ng P500 sa sahod nila. sumunod ganun din, 3 months lang lipat agad sila. buti nga sa kanila yung nalipatan nila na bahay e masungit mga amo, kuripot sa food, bawal sila lumabas, wala day off hahahahaha! tapos sila pa bumibili ng rice nila samantala sa amin jasmin ang kinakain nila! sumunod naman sagot din namin pasahe, tapos bale din agad 1 month. ganun din ginawa, after 2 months bigla nagpaalam. di na namin pinasweldo at may bale naman sila na 1 month. kaso nga since sagot namin pasahe sa barko e ano pa nga, lugi na naman. di naman namin gusto ipapulis.

medyo ok naman nakuha naming 2 maid last december since kilala ng family ni misis. kahit sinasabihan namin na mag-day off ayaw nila at nakaka-pasyal naman daw sila pag sinasama namin sa mall, libre pa kain nila sa resto. complain lang ni misis e pinapakialaman ang food ng mga bata, kahit yung pasalubong kong belgian chocolates sa mga anak ko e mas marami pa yata nakakain nila kesa sa mga anak ko hehehehe! hinayaan na lang namin, sulit naman sa sipag nila saka sa alaga sa 3 naming kulits.

so maybe yun ang sagot sa tanong mo, kung meron ka kamaganak sa probinsya e dun ka magpakuha ng maid, yung kilala nila para hindi ka madenggoy.