Kapag nakikita kong nahihirapang mag-park,- nagiging park-your-car assistant (boy) ako,- siya pa rin ang nagpapark- ako lang ang sumesenyas,- gives the driver better self-confidence - almost all of the times,- babae....

Many years ago,- dito sa SLEX northbound, between Alabang and Sucat,- may nasiraan ng sasakyan,- 3 babae na mukhang galing beach... Iyong isa ay naka 1-piece pa at nakatapis lang... :naughty2: Mabuti na lang old-school ang oto,- kaunting kiskis lang at adjustment,- takbo na sila...

Years ago, outing ng tropa namin papuntang Batangas,- may nag-overheat na oto rin sa may bandang Silang,- puro pa sila babae,- naubusan ng tubig/coolant ang radiator,- mukhang hindi nag-check ng level ng tubig... Sinamahan pa namin hanggang sa may gasoline station....Hayun,- doon napunta ang drinking water namin sa radiator nila....

Hindi ako nagpapasakay sa sasakyan dito sa atin,- lalo na at nag-iisa lang ako (meaning ako ang driver)... Pero, nuong na-assign ako ng halos 3 buwan sa Indonesia (at may driver akong kasama),- may 2 o 3 sigurong pagkakataon na nagpasakay ako sa sasakyan dahil umuulan at nakamotor lang sila... Angkas ang nanay at sanggol - kawawa (paying rider kasi roon) - kaya pinatatabihan ko sa driver at pinasasabing sumabay na sila dahil papuntang bayan din kami.... Anyway,- sa likod lang sila at sa unahan naman ako nakaupo....