
Originally Posted by
cpsolt
nung nag-solo hike ako sa mt. maculot sa cuenca, batangas, nung around 8pm, tumawag ako sa friend ko, may naririnig daw syang babae na parang katabi ko nagsasalita ng inaudible na words. kinaumagahan, i smelled women's cologne expecting na merong group ng hikers na parating. walang dumating. sabi sa baba kay ka manuel na pinagpapaliguan ko sa jump off point, maricris daw ang pangalan nung nagpaparamdam doon. maliit na babae na nahulog sa cliff face overlooking taal lake nung 1990's.
isa pang camp site na papunta pa lang kami, marami nang locals na nagsasabi na haunted ang lugar paakyat ng base camp sa daraitan, hindi lang tatlo ang nagsabi na mag-ingat kami at may engkanto/may nagpapakita daw doon. 7 kami sa groupo na inabutan ng gabi papuntang campsite naglalakad on a single file, may naririnig kaming footsteps saka kaluskos ng mga sanga/dahon na sumasabay sa tabi namin sa gilid. pakiramdaman lang kami tapos nung umaga, it was revealed na pareho kami ng nararamdaman at naririnig na may kasabay kami paakyat sa base camp that night.
another spooky mountain is mt. cristobal sa quezon. may nagpapacute akong kasama sa kasabayan naming fellow hiker na babae, sobrang ingay ni lalaki. out of nowhere, may nakita akong sanga na binato sa kanya. hindi nalaglag kasi may trajectory galing sa gilid sa lugar na inaccessible sa tao.