New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 4 FirstFirst 1234
Results 31 to 33 of 33
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,286
    #31
    napaluha ako dito.....

    napakasimple ng buhay noon....tumbang preso sa gabing kabilugan ng buwan sa maalikabok na kalsada, manghuli ng gagamba, tutubi, salaginto at salagubang, kahit dalag sa ilog na napakalinis kakilala mo halos lahat ng bata sa inyong lugar....diyes sentimos o yung lapu-lapu na sentimo na medyo kwadrado lang ang baon....tapos nanghihingi o nangnenenok ng bayabas o kaymito o mangga sa mga kapitbahay para pandagdag sa baon kapag minalas eh mahahabol ka ng aso nila.....nanghihingi lang ng petsay ang nanay ko sa aming kapitbahay para pansahog sa isda na napamingwitan ni kuya....tumutulong kay tatay kapag me sira ang mga lamesa at upuan...marunong kaming magkakapatid na magkarpentero, mag-repair ng banig, magsulsi ng sariling damit....magtanim ng mga gulay sa likod bahay....radyo at komiks o kwentuhan lang ang libangan at palipasan ng oras sa gabing walang magawa, o manood ng moro-moro, sarswela, paligsahan ng pag-awit atbp. kapag piyesta ng bayan....mababait at kagalang galang ang mga pulis...yung mayor at ibang opisyales ng bayan namin eh araw-araw naming nakikitang naglalakad o namimisikleta para sa bayan at baryo at nakikipag-usap sa mga tao....walang badigard o baril na dala....kapag inabot ng pananghalian eh nag-uunahan pa ang mga pami-pamilya para imbitahan na sa kanila na lang mananghalian si alkalde....nakakatulog kami ng matiwasay kahit naiwang bukas ang pintuan....kapag naiwan o nalimutan ng nanay ko ang kanyang payong sa palengke eh inihahatid pa pabalik sa bahay....

    naaalala ko pa lahat yan.....at ako ay nagagalak na nalulungkot.... hindi na maibabalik ang lahat ng yon......maibibida ko na lang sa aking mga anak....tapos eh baka sabihin nila na pantasya lang yon at di totoong nangyari.......

    pero iku-kwento ko pa rin.....gaya ng aking mga magulang noon.....


    at oo....nakangiti ako ngayon at masasabi na naranasan ang tunay na kapayapaan...yun nga lang...NOON..... noon na di pa mataas ang antas ng teknolohiya.... noon na payak at simple lang ang pangangailangan ng bawat isa..... noon na nirerespeto pa ng bawat mamamayan ang karapatan at pansariling interes ng bawat indibidwal....iginagalang at nirerespeto pa ang mga halal na opisyal at iba pang nanunungkulan at nagsisilbi sa bayan.....

    NOON............. sana.....maranasan din ng aking mga anak ang ganong buhay.......katiwasayan, kapayapaan at totoong kaligayahan sa iyong paligid...


    maaring pantasya na nga lang ang lahat......

  2. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #32
    Quote Originally Posted by CoDer
    Hinding-hindi ko makakalimutan yan. Buong kayle isang grupo, mag hahamon ng gyera sa kabilang kalye. Baril-barilan ang bala eh tansan.

    Yeeessss...
    ang sakit nito tansan ang bala ..
    kami gamit namin na bala iyon "KatikBi" nag modify ng wooden gun na may rubber .ikakasa doon ang katikbi
    every week palitan ng armas .minsan sumpit ang bala ay "mongo",
    minsan tirador pero ang bala ay nirolyo na papel na babaluktutin

  3. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    2,315
    #33
    parang nabasa ko na ito?

Page 4 of 4 FirstFirst 1234
ganito kami noon