New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 33
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    109
    #1
    Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin, noong wala pang KAUNLARAN?
    Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;
    Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang;
    10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon;
    Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.
    Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a:
    Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.
    Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa tumana;
    Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams;
    Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak... Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala;
    wala namang lock ang mga jeep na Willy's noon.
    Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong, "sketeng" (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno;
    patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan);
    sumpak, pilatok, boca-boca, bora dor, atbp.
    Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga iyon.
    Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo, tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!) May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi, nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo;
    Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin;
    Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.
    Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology... di ba minsan nangarap ka na rin... mas masaya noong araw! Sana pwedeng maibalik...
    Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap, maraming addict at masasamang loob...
    Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara... Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo...
    Balik tayo sa nakaraan kahit saglit... Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone. Noong wala pang mga drugs at malls. Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.
    Tayo noon... Doon... Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan;
    Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa "Mga Aninong Gumagalaw" Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado na tin, kasi wala namang calculator.
    Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama; Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae; Inaasbaran ng mga suberbiyo; Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page.
    Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?
    Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman; bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw?
    Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang sumakit ang tiyan; Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya ng lukaok, susuwi at espada?
    Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata...
    Estigo santo kapag nagmamano.
    Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa "berdugo" at sa "kapre"; Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!
    Yung crush mo?
    Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay - alembong, taeng-kabayo o biscocho? Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o kaya nougat o karamel; Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat;
    Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.
    Madami pa... Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng daliri para sa sawsawan; ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labuyo; ang duhat kapag inalog sa asin; ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin... Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;
    Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan. Lipstick mo ay papel de hapon; Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit;
    Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirol ang mga punda at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan...
    May mga program kapag Lunes sa paaralan; May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk.
    Di ba masaya? Naalala mo pa ba? Wala nag sasaya at gaganda pa sa panahon na yon... Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon...
    Di ba noon... Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?"... Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the carabao batuten...
    Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;
    Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti; Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa; Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.
    Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo. Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong skyflakes at Royal sa tabi.
    Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN!
    Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!

  2. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    434
    #2
    sir bulits.

    i am proud of what you have written. you have definitely captured the Good Old Days.

    you have shown the essence of the Real Life.

    and yes, i am smiling.

    Thank you very much sir bulits.

  3. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    719
    #3
    akala ko ba ako pinaka-senior member dito.

    sir bulits, nakalimutan nyo pong banggitin na nung panahon nyo eh pwedeng bumili ng sardines na Ligo kay kabisi. 25cents lang po yun pwede na pong pabuksan yun tapos palagyan ng libreng toyo kay kabisi sabay hingi ng isang kalamasi. pwede din daw pong bumilli ng sinkong matamis na bao at mantikilya nuon sa sarisari store ni kabisi. Nakalimutan din nyo pong sabihin na yung 25 pirasong label ng Dutch Baby Evaporated Milk ay pwedeng ipangbayad sa cine. Sa orchestra nga lang po. Di din po nyo nabangit na sa halagang sampung peso eh pwede nyo ng i-date girl friend nyo dyan sa cine sa Recto. php1.20 lang ang balcony nuon at php1.70 ang student meal dyan sa university belt at 10cents lang pamasahe sa jeep. kaya po yung 10 pesos eh may soft drinks at sandwich na kayo nuon. Ang nakakalungkot lang po nuon, sabi ng tatay ko, eh wala pa daw Wise motel nuon at Sogo.

    meron na din pong kinatatakutan nuong maliban sa mga magulang, lolo at lola. yun daw pong mga OXO at Sigue-Sigue Gangs sabi ng tatay ko. Tapos yung Sigue-Sigue Gang po nahati sa dalawang grupo, Sputnik at Commando. tapos may lumabas pa pong Bahala na gang. Pero bago po sumikat sa Manila yang mga Gang na yan eh si Asiong Salonga po ang siga sa Tondo. kapag nagra-riot po nuon eh mga jungle bolo at pana ang gamit nila. ang maganda daw po ng panahon nyo, ayon sa tatay ko uli, eh walang mga news reporter nuon na ng sisigawan palang ay patayan na ang balita. at wala din pong mga buaya sa kalsada nuon at di pa uso ang pork barrel.

    pero sabi po ng tatay ko mas gusto nya daw po ang panahon ngayon. kasi ngayon daw po eh meron na daw pong Tsikot.com at DC.org. :D

  4. Join Date
    Jun 2004
    Posts
    9
    #4
    SIR BULITS,

    Taga-saan po kayo sa LAGUNA? Medyo pamilyar sa akin mga pananagalog nyo!!

    Salamat!

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #5
    kala ko ako na pinakamatanda dito. pero lahat ng sinabi nyo eh di ko maarok.

    hehehehehe.

  6. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    814
    #6
    matatanda na po kayo. hndi ko na inabutan yang mga yan. yung panahon namin nandun na sila rainbow brite, care bears, centurions at and Takeshis castle. may family computer na kami nun at mighty kid ang sapatos namin.


    pero inabutan na namin yung agawan base, monkey monkey anabelle at langit lupa.

    masarap maging bata pag tanda mo

  7. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    2,053
    #7
    "10 setimo lang ang baon..."

    I remember my dad telling me that whenever I ask for an increase in my allowance. BTW, 5 pesos ang baon ko nung grade school pa ako. :-)

  8. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4
    #8
    Ayos lakay ah. Those good old days... kumusta na ang blueboys club? Have a safe day...

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #9
    Sarap alalahanin ang nakaraan.

    Dati hindi ka natatakot maglakad sa gabi ngayon hay naku hirap na ang lahat.

    Pero hindi pa ako ganun katanda. hehehe

  10. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    41
    #10
    d ko na dn naabutan yan dude.Heman,maskman at shaider na naabutan ko carebears dn.hehehe.

Page 1 of 4 1234 LastLast
ganito kami noon