list here your funny / stupid antics that you did when you were still a child (and even now if you want). haha!

- spit wars! panalo ako dito kasi ako yung nasa taas ng double deck.

- bubble gum in your hair! hindi kumpleto ang childhood mo kapag hindi mo ito nagawa ni minsan... hahaha! ang sakit tanggalin... ilang araw akong amoy baby oil.

- pissing in a flower pot (in my mom's office). ayoko kasi umalis, kakatamad... sakto may dumating na college students!

- going inside a lady's CR. napakalayo kasi ng men's CR sa college buildling (all girls kasi). naalala ko na lang nagsisigawan yung mga babae kapag binubuksan ko yung cubicle. innocent pa ako nun.

- forging your parent's signature. hindi ko naman alam na bawal ito!!! hindi kasi ako gumawa ng assignment. sabi ko pa sa teacher (may bura kasi) - nagkamali yung ermats ko kaya may bura.

- food fight! during the foundation day nung grade school ako. napaka dami kasing cake. kaya ayun... hahaha... ang gulo!!! naalala ko may nagpasok ng cake hanggang sa loob ng ilong ko...

- construction site fight. may on-going construction kasi sa isang part ng school, maghahati sa dalawang group yung boys... then batuhan na ng buhangin at bato. kanya-kanyang dala ng mga plastic bag at cups para lagyan ng buhangin.