Grabe yang Foker crash monday morning nakaka takot na talaga sumakay ng Foker. We used to be on Foker flight twice a week going to work site same ng nag crash dyan sa manila. Buti nalang pinalitan na ng Bigger plane ATR na..
Dami kong bad experiences One time same problem while we are in the air 10,000 feet high namatay isang Engine.. grabe takot ko yung yagbols ko yata eh nasa leeg ko na heheheh. Buti nalang pinoy ang Pilot namin sanay na daw sya sa PAF na ganon mga Plane laging may engine failure. Pero on that flight 2 ang inatake sa puso buti hindi namatay.. Grabe nag ubos muna ng fuel bago na kami ng landing sa airstrips...Bilib din ako sa Pinoy pilot na yon kasi naka landing pa kami ng maganda kahit isang engine lang.. After that dami pang incident na nag fail samin yang FOKER 27. kaya pinalitan ng ATR...
KAWAWA NAMAN MGA NAMATAY...Ipagdasal nalang natin sila
Grabe talaga. hindi ko masabi kong sino dapat sisihin dyan dahil baka mali ako. pinag-uusapan dito sa amin ngayon yan. ako takot talagang sumakay sa mga domestic flight sa atin liban sa PAL. two times na akong pumunta ng Laog pero never kong naisip by plane.
ang maitutulong na lang talaga natin sa mga victims ay ipagdasal sila.
last na sakay ko ng domestic dyan sa Manila last May SEAIR.. sobrang liit 14 lang kami tapos de katok pa yata makina... Manila-Catiklan-Manila byahe namin going to Boracay.. Medyo natakot din ako kahit na sanay akong sumakay ng Foker.. Hindi ko lang pinahalata kasi I was with my Family baka matakot ang mga bata
ang hirap isapalaran ang pamilya sa mga ganyan eroplano. ang iba naman kasi kumita lang negosyo nila hindi na iniisip yung safety ng publiko. yung anak ko na dati the Visayas ang hawak nyang area ay pinilit na Luzon na lang ang maging area niya. kasi sa Makati head office nila tapos he needs to visit branches sa buong Visayas kaya lagi syang ninenerbyos kapag nasa mga small plane na sya. ngayon he take roads na lang to the North at wala na yung mga nerbyos nya sa pag byahe.
Masyado kasing gahaman ang mga Negosyate satin. Imbes na inaayos nila mga plane nila nag titipid para lang mag payaman ayan lalo silang ma walalan ng negosyo. Siguradong malaki ang babayaran nila dyan..
hindi kaya ang mga pilots ng mga small plane na yan ay mga pirated lang nila sa PAL. ang since na di naman nila kayang tapatan yung salary cap ng mga beteranong PAL pilots ay pumapayag na silang mga newly promoted or not well experience pilots para lang tumakbo ang business nila. ganon din sa mga aircraft mechanics. yung iba kasi dahil lang sa tataas ang sweldo nila or rank sa trabaho ay tinatangap ang pwesto kahit na hindi sila competent. ang dami ko kasing nakasama sa trabaho na ganyan. magaling lang mag kwenta ng overtime pero sa trabaho palpak. sana wag naman ganito sa mga airlines natin at passenger boats. maawa naman kayo:evil:
Most likely ganon nga sa hirap kasi maka kuha ng magandang sweldo satin. kaya ganyan ang nangyayari.. Imagine ng makausap ko isang Pilot ng PAL international flight sya (kapit bahay ko pala) Mas malaki pa pala kinikita ko kesa sa kanya.. he is renting a house.. samantalang dati syang RAM boys... kaya lang umalis sa PAF gawa ng ng kudeta..nag titiis na lang daw sya sa PAL ngayon kahit na once a week lang ang byahe nya tapos bawal pa sya mag byahe ng US dahil daw sa kaso ng RAM boys
ako naman mga stewardess ang mga nakakausap ko. some of them are trying to do everything just to get-in from domestic to international flights. kasi nga mas malaki ang sweldo nila at may sideline pa. hirap talaga buhay ngayon.
sana naman ay wag ng maulit yang ganyan balita kasi bukod sa nakakaawa yung mga biktima ay nakakahiya pa dito sa abroad yung mga ganyan aksedente. imagine kate-takeoff pa lang! ibig sabihin may deperensya na talaga yung plane bego ng takeoff.:evil:
NightRock, thanks for your time. Out na muna ako. Good night dude!
Problema na naman yan sa Tourism.. Dapat maka bangon na tayo sa tourism industry lalo yatang mawawala..Im sure malaking issue to sa tourism since may mga Australian na passengers.. may namatay pa...malas talaga
Dapat siguro yung governing body sa Air Transport eh mag conduct ng thorough inspection/investigation ng mga Domestic Airlines.
Marami dyan ang matatawag nating fly-by-night (tama ba yung term). Basta makumpleto permit, oks na. Pero kapag tiningnan mo yung units nila eh karag-karag na.
Minsan lang ako sumakay ng small plane like Foker, and di ko na talaga inulit.
NightRock,
Kaya nga kapag punta kami Boracay, palagi lang ako hanggang Kalibo, tapos by land na lang papuntang Caticlan. Di ko talaga makuhang sumakay dun sa mga small planes going to Caticlan.
Artpogi
sa Kalibo ba yung mga flight Airbus na din . kasi sa katiclan hindi siguro kaya ng airbus don ang iksi ng Runway..
I remember ng sumakay kami sa Foker going to Caticlan 9 passenger lang yata kami sobrang liit talaga parang Jeep lang tapos sa pinaka una pa ako I was sitting with a Japanese Girl. tapos nakita nya rin yung Pilot may pinukpok sa may harap ewan ko parang hand break yata..Tapos parang kinabahan yung Japanese Girl.. Sabi ko nalang don't worry its made in Japan it will not fail.. Natawa sya..
Actually last ko na rin na isasakay ang family ko sa Foker, I just tested my Son kung kaya ba nya sumakay don coz he is dreaming to be a Pilot. (like my dream when I was kid)... pero hanggang sky diving lang ako ngayon...
uhm.... ung laoag international airline.... uhm... my dad help the owner build the company... after natayo, umalis na cya. it was just a favor for the owner daw kasi kaibigan nya. bait un, sobra...
anyway, kung may makuha akong info sa loob, i'll post it here kung nde confidential..
btw, my dad's a pilot and i wanna be one pero yoko ng commerical, gusto ko test pilot.. hehehehe.... they go abroad at least twice a year for training. nde ko lang alam kung anong country ngayon, pero the last 2 trainings were in canada and sa US.
Nong Airline ang dad mo daZed??? sayang dream ko talaga ang maging pilot kaya nga until now active parin ako sa Sky Diving.. pero pag my time talaga ako baka ituloy ko.
CPA as in Cathay Pacific??? Well hindi na ko nasakay dyan It used to give a good service pero ngayon hindi na.. At saka nawawala points ko sa kanila sa frequent Flyer. kakainis lang... Pero ok ang mga Plane nila. Ang galing pala ng DAD mo daZed sana nag pilot kana lang din hehehe
booking ko CX 905 to arreive MNL via Hongkong on Nov 23. baka Dad ni mam daZed pilot namin, in good hand na pala ako.:wink:
ok pagkain sa Cathay. sana nga from Oslo ay Cathay na din ako kaya lang fully booked na daw kaya British Air na lang, sama pa naman ng pagkain sa BA. no choice, company expense kasi.:mrgreen:
Sama nga nag Pagkain dyan sa BA tapos ang susuplada pa ng mga Crew ang tingin nila sa mga Asian iba kesa sa mga Briton...Ang ayaw ko lang minsan sa CX medyo mahaba ang waiting time sa Hongkong...
after i graduate college, i'm planning to go sa US air force to study tpos after nun, test pilot na ng US. hehehe..
pero kapag un ang ginawa ko, no boyfriends, husband, kids. as in walang family kasi i know na i'm risking my life in that kind of job (which makes me want the job more). paano kung magkaproblema while testing the plane, kawawa nman ang maiiwan ko lalo na kapag may anak ako, dba?