New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 55
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #1
    Grabe yang Foker crash monday morning nakaka takot na talaga sumakay ng Foker. We used to be on Foker flight twice a week going to work site same ng nag crash dyan sa manila. Buti nalang pinalitan na ng Bigger plane ATR na..

    Dami kong bad experiences One time same problem while we are in the air 10,000 feet high namatay isang Engine.. grabe takot ko yung yagbols ko yata eh nasa leeg ko na heheheh. Buti nalang pinoy ang Pilot namin sanay na daw sya sa PAF na ganon mga Plane laging may engine failure. Pero on that flight 2 ang inatake sa puso buti hindi namatay.. Grabe nag ubos muna ng fuel bago na kami ng landing sa airstrips...Bilib din ako sa Pinoy pilot na yon kasi naka landing pa kami ng maganda kahit isang engine lang.. After that dami pang incident na nag fail samin yang FOKER 27. kaya pinalitan ng ATR...

    KAWAWA NAMAN MGA NAMATAY...Ipagdasal nalang natin sila

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    175
    #2
    Grabe talaga. hindi ko masabi kong sino dapat sisihin dyan dahil baka mali ako. pinag-uusapan dito sa amin ngayon yan. ako takot talagang sumakay sa mga domestic flight sa atin liban sa PAL. two times na akong pumunta ng Laog pero never kong naisip by plane.

    ang maitutulong na lang talaga natin sa mga victims ay ipagdasal sila.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #3
    last na sakay ko ng domestic dyan sa Manila last May SEAIR.. sobrang liit 14 lang kami tapos de katok pa yata makina... Manila-Catiklan-Manila byahe namin going to Boracay.. Medyo natakot din ako kahit na sanay akong sumakay ng Foker.. Hindi ko lang pinahalata kasi I was with my Family baka matakot ang mga bata

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    175
    #4
    ang hirap isapalaran ang pamilya sa mga ganyan eroplano. ang iba naman kasi kumita lang negosyo nila hindi na iniisip yung safety ng publiko. yung anak ko na dati the Visayas ang hawak nyang area ay pinilit na Luzon na lang ang maging area niya. kasi sa Makati head office nila tapos he needs to visit branches sa buong Visayas kaya lagi syang ninenerbyos kapag nasa mga small plane na sya. ngayon he take roads na lang to the North at wala na yung mga nerbyos nya sa pag byahe.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #5
    Masyado kasing gahaman ang mga Negosyate satin. Imbes na inaayos nila mga plane nila nag titipid para lang mag payaman ayan lalo silang ma walalan ng negosyo. Siguradong malaki ang babayaran nila dyan..

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    175
    #6
    hindi kaya ang mga pilots ng mga small plane na yan ay mga pirated lang nila sa PAL. ang since na di naman nila kayang tapatan yung salary cap ng mga beteranong PAL pilots ay pumapayag na silang mga newly promoted or not well experience pilots para lang tumakbo ang business nila. ganon din sa mga aircraft mechanics. yung iba kasi dahil lang sa tataas ang sweldo nila or rank sa trabaho ay tinatangap ang pwesto kahit na hindi sila competent. ang dami ko kasing nakasama sa trabaho na ganyan. magaling lang mag kwenta ng overtime pero sa trabaho palpak. sana wag naman ganito sa mga airlines natin at passenger boats. maawa naman kayo:evil:

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #7
    Most likely ganon nga sa hirap kasi maka kuha ng magandang sweldo satin. kaya ganyan ang nangyayari.. Imagine ng makausap ko isang Pilot ng PAL international flight sya (kapit bahay ko pala) Mas malaki pa pala kinikita ko kesa sa kanya.. he is renting a house.. samantalang dati syang RAM boys... kaya lang umalis sa PAF gawa ng ng kudeta..nag titiis na lang daw sya sa PAL ngayon kahit na once a week lang ang byahe nya tapos bawal pa sya mag byahe ng US dahil daw sa kaso ng RAM boys

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    175
    #8
    ako naman mga stewardess ang mga nakakausap ko. some of them are trying to do everything just to get-in from domestic to international flights. kasi nga mas malaki ang sweldo nila at may sideline pa. hirap talaga buhay ngayon.

    sana naman ay wag ng maulit yang ganyan balita kasi bukod sa nakakaawa yung mga biktima ay nakakahiya pa dito sa abroad yung mga ganyan aksedente. imagine kate-takeoff pa lang! ibig sabihin may deperensya na talaga yung plane bego ng takeoff.:evil:

    NightRock, thanks for your time. Out na muna ako. Good night dude!

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #9
    Problema na naman yan sa Tourism.. Dapat maka bangon na tayo sa tourism industry lalo yatang mawawala..Im sure malaking issue to sa tourism since may mga Australian na passengers.. may namatay pa...malas talaga

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #10
    Dapat siguro yung governing body sa Air Transport eh mag conduct ng thorough inspection/investigation ng mga Domestic Airlines.

    Marami dyan ang matatawag nating fly-by-night (tama ba yung term). Basta makumpleto permit, oks na. Pero kapag tiningnan mo yung units nila eh karag-karag na.

    Minsan lang ako sumakay ng small plane like Foker, and di ko na talaga inulit.

    NightRock,

    Kaya nga kapag punta kami Boracay, palagi lang ako hanggang Kalibo, tapos by land na lang papuntang Caticlan. Di ko talaga makuhang sumakay dun sa mga small planes going to Caticlan.

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Foker 27 (Mga Flight Experiences nyo)