yung nextbase na dvd player ko lagpas 5 years na, okay na okay pa din. minan ginamit ko to lagpas 24 hours (hehehe marathon e), hindi sumuko. walang sinabi yung branded na dvd player ng kaibigan ko.
may mga generic detergent powder na mura pero ang ganda ng quality (half the price ng mga ibinebenta ng mga multinational companies). ito ginagamit namin sa bahay.
yung ballpen na binili ko sa 168 mall, ayos na ayos. talagang nauubos ko ang tinta. wala pa atang P2 per piece ang bili ko (isang kahon kasi ang binili ko -- ang tagal tuloy maubos).
yung nabili kong maong na japeyks hehehe lagpas 2 taon na, okay na okay pa din. alaga sa laba e hehehe lagi ko nga suot. maganda kasi ang yari. pero saksakan ng mura ang bili ko.
may nabili kaming sangkatutak na AA-batteries sa costco sa US (sale kasi). ewan ko actually bakit binili ng misis ko. pero, na-realize ko ngayon, okay ah. kasing tagal ng energizer. super sulit.
i guess ang point ko: price isn't always a reflection of quality.